Kanina pa ako hindi kinakausap ni Jonah at nakatanaw lamang siya sa labas. Hindi na rin naman ako nag salita dahil alam kong malalim siyang nag iisip ngayon. Sakay kami ng isang sasakiyang itim na ipinadala ng step mom ni Jonah para sunduin kami sa airport. "Should we go first to your pad Sir?" "No, go straight to the hospital and stop staring at my girlfriend." Agad namang ibinalik ng driver ang paningin sa kalsada. Hindi ko alam kung matatawa ako sakaniya dahil napaka possessive o ang mamamangha dahil tunog Briton siya simula pa kanina o mananahimik nalang dahil baka lalo pa 'tong mabadtrip pero mas pinili ko nalang 'yung pang huli. Aside sa hindi niya na nga ako kinakausap, kanina pa ito nag susungit kaya naman kinuha ko ang kamay niya at napalingon ito sa'kin. Binigyan ko naman siy

