Kakarating lang namin sa hotel na tutuluyan namin nila Zeke at Austin. Sa wakas at nakauwi na rin kami ng Pilipinas after so many years. Dahil sa jet lag ay tulog na tulog si Austin samantalang kami naman ni Zeke ay tinawagan ang kaniya kaniya naming mga pamilya sa probinsya. Huminga ako ng malalim ng sabihin ko kila mama na may importante kaming sasabihin ni Zeke pagkauwi namin sa probinsya. "Buntis ka na ba anak?" Muntik ko pang maibuga ang tubig na iniinom ko ng tanungin ako ni Papa. Agad naman akong tumanggi at sinabing hindi na ako muling mag bubuntis at sapat na si Austin. Gusto kasi nilang magkaroon ng babaeng apo naman. Wala pa raw kasing balak mag asawa si Aladdin kaya sa'kin tuloy sila humihirit ng dagdag apo. Napailing nalamang ako. "Ba't ba kasi hindi nalang kayo dumiretso r

