Alas sinko palang ng umaga pero nakapag ayos na ako ng sarili at handa ng bumaba. Napag desisyunan kong tumulong sa pag luluto ng agahan namin ngayon dahil ilang araw na rin na wala akong ginagawa rito bukod sa panunuod ng KDrama at mag laro ng mobile games. Tinangka ko sanang mag linis ng swimming pool o mag dilig ng halaman pero palagi akong nadadakip nila Aling Mylene, Maya o kaya ni Mang Errol na hardinero ni Jonah. Trabaho raw nila 'yon at baka mapag sabihan sila ni Jonah pag nakita o nalamang nag lilinis ako. Napa iling nalamang ako sakanila. Kailangan kong makausap si Jonah tungkol dito pero palagi naman siyang wala at gabi lang kami kung mag kita. Minsan hindi rin kami sabay kung mag dinner dahil late na siya kung umuwi. Of course, hindi ako nag tatampo. Although may nangyari sa'min hindi ibig sabihin nun may karapatan akong mag tampo o mang himasok sa buhay niya. Wala na nga kami diba. Hmp!
Pagkababa ko ay dumiretso ako ng dining room. Hindi pa man ako nakakapasok ay rinig ko ng may nag uusap sa loob.
"Do we really have to do this?"
Naabutan ko si Aling Mylene na inaayos ang kubyertos sa mesa samantalang nasa kabisera naman nakaupo si Jonah at nandito rin pala si Gloryvale. Nang mapansin nila ang presensya ko ay agad nilang ibinaling ang atensyon nila sa'kin kaya naman hindi ko maiwasang mahiya.
"Hey Amber. You look beautiful early in the morning."
Ngumiti sa'kin si Gloryvale kaya naman napangiti na rin ako sakaniya at nag pasalamat sabay bati na rin ng magandang umaga.
"Hindi lang siya maganda sa umaga, all day. Everyday. Tsk!"
Inirapan ako ni Jonah sabay higop sa kape niya. Aba, loko 'to ah. Irapan ba naman ako. Ang sungit. Kaya inirapan ko rin siya.
"Aling Mylene, tutulong po ako sa pag luluto."
"Huwag na Ma'am Amber. Ako ng bahala rito. Anong gusto mong inumin?"
"Pero Aling Mylene.."
Oo nga pala, andito kasi ang masungit nilang amo. Kakausapin ko na nga 'to tutal nandito na rin siya.
"Hoy Jonah!"
Tiningnan niya ako't pinagtaasan ng kilay. Si Gloryvale naman tahimik lamang na nagpalipat-lipat ng tingin sa'min.
"What Amber?"
"Gusto kong tumulong dito sa bahay."
"Huh? What do you mean?"
"Hindi ako makapag linis, o makapag laba, o makapag luto na palagi ko naman dating ginagawa dahil baka mapagalitan mo sila Aling Mylene."
"You don't need to do that."
"At bakit?"
"Kasi kaya na nila Manang Mylene 'yan."
"Hindi ako sanay Jonah."
"Then get used to it."
"'Yun na nga lang ehersisyo ko pag babawalan mo pa ako? Tumataba na ako."
"I don't mind if you get fat."
"Me too. You're still beautiful Amber."
"Shut up Gloryvale!"
Tumawa si Gloryvale habang napainom na naman ng kape si Jonah. Okay lang naman sa'kin ang tumaba actually, ang kaso nga lang eh sa trabaho ko as bartender, required sa bar namin ang maging physically fit. Sa lockdown ba naman na 'to syempre hindi maiiwasang dumagdag ang timbang natin kaya gusto ko may ginagawa pa rin ako.
"You want to do something? Fine. Get us some coffee then."
"I'll go with you Amber."
"Stay here Gloryvale."
Tumayo siya't pinigilan ang kaniyang kaibigan at inabot sa'kin ang tasa nila. Kinuha ko naman ito at tinalikuran siya kaagad sabay martsa papuntang kusina.
"Sungit!"
"I heard that."
Ang hina na nga ng boses ko narinig pa niya. Ano siya? May jedi powers? Psh. Pagpasok ko ng kusina agad kong nakita si Maya na umiinom ng gatas niya samantalang si Aling Mylene ay abala sa pag luluto.
"Good morning Ate Amber."
"Good morning din Maya."
Pumunta ako sa counter island kung saan nakapatong ang coffee maker saka nag salin sa dalawang tasa.
"Pasensya na kayo Aling Mylene at Maya kung narinig niyo kami."
"Walang ano man Ma'am Amber. Salamat din dahil sa kagustuhan mong tumulong pero huwag kang mag alala, kaya na namin ito."
"Opo Ate. Kami ng bahala kaya relax ka lamang diyan. Kwenta pasasalamat na rin namin ito kay Sir Jonah sa ginawa niyang kabutihan sa'min ni Mama."
"Ah. Bakit? Anong ginawa ng kumag na 'yon sainyo kung hindi niyo po mamasamain ang tanong ko?"
Nalaman kong niligtas sila ni Jonah sa asawa ni Aling Mylene. Lasenggo ang asawa ni Aling Mylene at palagi siya nitong pinagbubuhatan ng kamay. Tanging si Aling Mylene lamang ang bumubuhay sa pamilya nila sa tulong ng pag lalabada. Dahil nga sa lasenggo ang asawa niya ay kadalasan at sapilitan nitong kinukuha ang kita ni Aling Mylene kaya minsan nalilipasan ng gutom ang mag ina.
Isang araw dahil sa sobrang kalasingan at walang maibigay si Aling Mylene na pera ay pinag buhatan na naman siya ng kaniyang asawa. Pinaka malala ang araw na iyon dahil kumuha pa ng kutsilyo ang kaniyang asawa at gustong tapusin na ang buhay ni Aling Mylene. Agad na hinila ni Aling Mylene si Maya at pareho silang tumakbo palabas ng bahay. Dahil takot ang mga kapit bahay nila kaya wala ni isang gustong tumulong sakanilang mag ina hanggang sa biglang may tumigil na kotse sa harapan nila. Muntik kasi silang mabunggo sa desperado na ang mag inang makatakas kaya naman kaagad na lumabas ang driver ng kotse at 'yun ay si Jonah.
Nang makita ni Jonah ang kalagayan nilang mag ina at nakita rin ang asawa ni Aling Mylene na tumatakbong may hawak na kutsilyo ay kaagad silang pinasakay nito sa kotse. Dun nagsimula ang pag tira nila sa bahay ni Jonah at sinampahan din ni Jonah ng attempted murder at violence against women and children ang asawa ni Aling Mylene kaya naman ngayon ay nakakulong ito.
"Bukod sa libre na ang pag tira namin dito sa bahay ay may sweldo rin ako. Pinapag aral niya rin si Maya kaya malaki ang utang na loob ko kay Sir Jonah."
Halos maluha luhang kwento ni Aling Mylene. Hindi mo rin siya masisisi kung bakit emotional siya dahil sa napaka pait na nakaraan. Feeling ko nga pati ako maiiyak na rin eh. Ang kaso..
"Amber! Nalunod ka na ba ng kape riyan?! Gusto mo na ba ng CPR?"
Hanga na sana ako kung hindi lang nag salita ang lalaking 'yun eh. Narinig ko naman nag tawanan ang mag ina kaya naman dali-dali kong prinepare ang kape nila ni Gloryvale.
"Ang cute niyo Ate."
"Huh? Anong cute sa'min?"
"Para kasi kayong bida sa Kdrama na pinapanuod ko. Bagay na bagay po kayo. Ako kaya? Kailan kaya ako mag kaka-oppa?"
"Oy Maya, mag tigil ka sa oppa-oppa mo riyan. Mag aral ka muna ng mabuti."
"Si mama naman. Nag aaral naman kaya ako ng mabuti."
"Haha! Tama si Aling Mylene, mag aral ka muna Maya."
Ngumiti ako sakanila at saka bumalik sa dining area kung nasan nag hihintay ang mahal na hari.
"What took you so long?"
"Yeah, what took you so long? I missed you."
"Gloryvale, do you really wanna die?"
"Just kidding mate. Anyway, thanks for the coffee Amber."
Kumindat si Gloryvale sa'kin at humigop ng kape niya. Napangiti ako kaso biglang tumikhim ang isa rito kaya naman nalipat ang mata ko sakaniya. He's raising his eyebrow on me and giving me a cold stare.
"So Jonah, going back to our conversation. You better start packing your stuff."
Nakita ko ang pag buntong hininga niya at kung kanina halos tunawin niya ako ng titig niya ay bigla itong nanlambot at napalitan na parang nag mamakaawa. Nag taka tuloy ako sa sinabi ni Gloryvale kaya naman huli na ng mapagtanto kong nag tanong ako kay Jonah.
"At san ka pupunta Mr. Clemente?"
Sheesh.. I sound like his wife. I cringe but he smirk. He didn't answer me instead talked again to his friend.
"Mauna ka na dun. Sunod nalang ako mamayang gabi before mag curfew."
"But.."
"No buts. One month is too long. We don't even know if that one month will extend or not."
"Fine. Make sure you'll be there tonight Jonah. It's for the safety of everybody."
"Yeah sure."
After finishing his cuppa, nag paalam na si Gloryvale at nag pasalamat sa kape. Naiwan naman kami ni Jonah sa dining area habang nag aantay ng breakfast.
"So.. Uhm. As what you've heard, I'll be gone for a month or more than a month."
"Why?"
"Since one of our clients is the government, we're busy working with them. Gloryvale's busy with the production of the medical supplies while me, I'm busy with the vitamins and vaccine with the help of our local and foreign partners. For everybody's safety, Gloryvale and I decided to isolate our workers which includes us. Just in case may mag positive sa'min, which hopefully wala, we can contain it. We cannot risk na dumami ang bilang at makahawa pa."
"O-okay."
'Yun nalamang ang nasabi ko. Hindi ko tuloy maiwasang hindi malungkot.
"Supposed to be ngayong umaga sana ako lilipat sa condotel na nirentahan namin malapit sa kumpanya, factory, and laboratory. But of course, I cannot leave without spending some quality time with you."
Ngumiti siya sa'kin at hinawakan din ang aking kamay.
"So, will you spend your day with me?"
"Hmm.. Since wala naman ako palaging pinag kaka abalahan. Sige na nga."
"Napilitan pa eh. Thank you. Thank you again for not loving me."
"Yeah, hindi talaga kita mahal."
Pareho kaming natawa at sakto rin lumabas na sila Aling Mylene at Maya dala ang almusal namin.