"Sinong kausap mo?" Pag-uulit na tanong ni Margaux sa akin at pumunta sa bintana para silipin kung may kausap nga ba ako.
"Wala akong kausap. Baka nagkamali ka lang ng dinig." Pagdadahilan ko at humiga sa kama.
"Hay naku! Alam kong hindi pa rin tayo bati pero sana naman 'wag ka nang makikipag-usap sa ibang g**g, lalo na kay Black." Pakiusap pa niya.
Napatitig ako sa kisame dahil sa sinabi niya. Bigla ko tuloy naalala ang pag-uusap namin ni Baduy kanina.
"Tss. Ano naman kung makipag-usap ako sa kanila. Bawal ba 'yon?" Tanong ko.
Umupo siya sa dulo ng kama ko at tumingin sa akin. "I saw him at alam kong dito siya galing. Look, I know I'm just your friend at wala akong karapatan na diktahan ka sa gusto mong gawin o kung sino ang dapat mong kausapin, pero nag-aalala lang ako, Penelope. Nag-aalala ang Angels sa'yo dahil mahal ka namin. Iniisip lang namin ang safety mo kaya sana---"
"Kaya sana ano? Sumunod na naman ako sa gusto niyo?!" Sunod-sunod na tanong ko at bumalikwas ng bangon. "Para ano? Para mailigtas niyo 'ko sa kamay ng mga masasama? Bakit, Margaux? Ni minsan ba ay pinahirapan ako ni Black o kahit ni Blue? Hindi, diba? Kasi naging mabuti ako sa kanila, sige, 'wag na nating idamay si Black dahil likas na akong mataray sa kaniya. Pero si Blue, alam kong sincere siya sa akin at hindi ko lang nakikita 'yon, nararamdaman ko din, Margaux." Mahabang paliwanag ko at nahilamos ang mga palad sa mukha.
Naaawang hinaplos niya ang kanang pisngi ko saka ngumiti. "Honestly, I am not afraid of your safety. I'm afraid you'll fall in love to one of them." Prangkang aniya at natigilan ako. "Sorry if you have to hear this but, they're not the best for you. They're not the man of every woman's dream, Penelope. Trust me, i've been there, even Ryleigh and Mecca. That's why we want to protect you dahil alam naming hindi imposibleng mahulog ka rin sa isa sa kanila and that means war." Dagdag niya at hinawakan ang dalawang kamay ko nang mahigpit kaya binigyan ko siya ng nagtatanong na tingin.
"War? Bakit kailangang umabot sa ganoon? Bawal ba silang mahalin? Tao rin naman sila ah?" Nalilitong tanong ko pa sa kaniya.
"Yeah, right. 'Yang mga tanong at ikinikilos mo ngayon, ganiyan na ganiyan din ako noon. Limang taon na akong nabubulok dito at halos saulo ko na ang pasikot-sikot ng mga bituka nila, lalo na 'yang si Blue dahil..." tumigil siya saka nagbaba ng tingin.
"Dahil ano, Margaux? Ituloy mo." Utos ko.
Muli siyang nag-angat ng tingin sa akin. "I'm not in the position to tell you all of these, Penelope. I'm really sorry. I shouldn't have told you those things." Paghingi niya ng tawad saka binitwan ang mga kamay ko.
"I have the right to know everything, Margaux. If you want to save me, tell me everything. In that way, malalaman ko kung paano umiwas at ipagtanggol ang sarili ko." Pangungumbinsi ko pa sa kaniya.
"Pen, you don't know what you're saying---"
"Siyempre alam ko, Margaux! Hindi ako tanga!" Naiinis nang asik ko at napabuntong-hininga naman siya. "So, please tell me everything. Mababaliw na ako kakaisip sa mga nangyari! Please---just tell me." Pagmamakaawa ko sa kaniya.
"Penelope, Blue and Ry are ex-lovers." Diretsong sabi niya and my jaw dropped.
Hindi makapaniwalang napatitig ako sa kaniya.
"W-What did you say?" Wala sa sariling tanong ko pa.
"They're ex-lovers, Penelope. And Blue left her for a lame reason. Ry cried for years because of that. Hindi lang siya naloko dahil naging tanga pa siya. Matapos ang isang buwan ng paghihiwalay nila, nalaman naming pinagpustahan lang pala siya ng The Unfazed." Kwento niya at napailing ako sa sobrang gulat.
Hindi ko alam kung paano ko paniniwalaan ang kwento niya pero wala naman sigurong dahilan para magsinungaling sila sa akin. Kaya naisip kong puntahan si Blue at konprontahin siya tungkol doon.
Nagdahilan lang ako kay Margaux para hindi siya maghinala at nang makaalis ako sa dorm kahit hating gabi na. Kailangan ko talagang makausap si Blue bago dumating ang bukas.
Tinext ko siya at sinabi kong gusto ko siyang makausap.
"Nandito na ako." Basa ko sa text niya kaya nagmadali akong nagtungo sa napag-usapan naming lugar.
"Blue." Tawag ko sa kaniya at hindi siya nagdalawang-isip na lumapit sa akin saka niyakap ako.
Nagtataka siyang tiningnan ako nang hindi niya naramdaman ang pananabik ko. Marahil ay hindi niya inaakalang ganito ang salubong ko sa kaniya.
"I'm not here for us. I'm here for you and Ry." Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa.
Agad na kumunot ang noo niya at inaasahan ko na 'yon. "Why? I mean, bakit natin pag-uusapan si Ry? What's with her? Look, you can visit her anytime kung may gusto kang sabihin---"
"Is it true that you played Ry's feelings before? Pinagpustahan niyo ba siya ng mga kasama mong g**g, ha Blue?" Agad na konpronta ko at umiwas siya ng tingin.
"How did you know that?!" May halong inis ang tono niya kaya natigang ang nananahimik kong galit.
"Hindi masasagot ng tanong ang tanong. Answer me, did you do that to her?" Nababagot nang tanong ko.
"Penelope, let me explain---"
"So, ginawa mo talaga 'yon?!" Galit na tanong ko pa. "Sagutin mo ang tanong ko ng oo at hindi---"
"Oo! Oo, Penelope! Sinaktan ko siya dahil naging makasarili ako! Hindi ko inisip ang kapakanan niya! That deal, noong una lang 'yon, pero hindi ko inaasahang mahuhulog ang loob ko sa kaniya kahit palabas ko lang lahat 'yon! Ano?! Masaya ka na?!" Naluluhang sumbat niya kaya kusa akong natigilan.
"B-Blue..." mahinang sambit ko habang pinapanood siyang pinupunasan ang mga luha niya.
Ngumuso siya saka tumingin sa iba. "Everyday, I always blame myself for hurting and letting her go. Huli na noong nalaman kong m-mahal ko na pala s-siya." Umaagos na parang talon ang mga luha niya sa pisngi dahil sa kaniyang pighati.
Ramdam ko ang pagsisisi at sakit na nararamdaman niya kaya parang nakonsensya naman ako.
Gayunpaman ay nanaig pa rin sa puso ko ang kabutihang patuloy niyang ipinapakita sa akin.
Hindi ko kinaya ang makita siyang nasasaktan kaya niyakap ko siya at hinagod ko ang likod niya para patahanin siya.
"I'm really sorry, Blue. Isang side lang ang napakinggan ko. I didn't know that you're still in pain. Iiyak mo lang 'yan. Hindi kita iiwan hangga't hindi ka okay, maliwanag?" Tanong ko pa kahit nakayakap sa kaniya.
Tumango siya bilang sagot kaya napangiti naman ako.
Matapos ang ilang oras na pagdadrama niya ay inihatid niya na rin ako sa dorm namin.
"Do you have a date already?" Maya maya'y tanong niya.
Nilingon ko siya at napangiwi ako nang maalala kung sino ang magiging ka-date ko bukas.
"Yeah." Malamyang sagot ko at napatingin sa malayo.
'Kumusta na kaya ang baduy na 'yon? Tsk. Hindi man lang nagpakita buong araw. Kahit sa hardin hindi man lang dumalaw! Tss.' Sabi ko pa sa isip.
"Let me guess," huminto siya kaya napahinto rin ako. "Si Black ang ka-date mo, tama?"
Tumango ako. "Mmm." Tipid na sagot ko at muling naglakad.
"Paano ka niya inaya? Wala pa kasi akong date e. Hahaha!" Natatawa pang sabi niya.
"Si Margaux o kaya si Mecca na lang ang i-date mo." Suhestiyon ko.
"Why? Hindi ba pwede 'yong isa?" Tanong niya patungkol kay Ry at agad ko siyang sinamaan ng tingin.
"Subukan mo. Tingnan natin kung hindi ka ipapahiya no'n."
"Hindi ganiyan si Ry ah! Kahit papaano may pinagsamahan naman kami!" Depensa niya sa dating nobya.
"Ah, talaga? Sige nga, tingnan talaga natin bukas kung maisasayaw mo siya! Bleee!" Panghahamon ko at piningot siya sa ilong saka mabilis na tumakbo papasok ng building namin.
Umakyat ako sa kwarto pero hindi ko nakita si Margaux. Tiningnan ko ang wall clock pero 2AM pa lang.
"Nasaan na 'yon? Iniwan pang nakabukas ang kwarto. Tsk!" Wika ko saka pumunta sa banyo at nagdeposit.
Maya maya pa ay nakarinig na ako ng mga kalabog mula sa labas kaya nagdali-dali akong nag-ayos ng sarili at dahan-dahang lumabas.
Bago pa man ako lumampas sa closet ay may narinig akong isang sigaw ng babae kaya nagtago muna ako.
"No! Please, stop it! No! s**t! I said stop it!" Namamaos na sigaw ng babae at parang umiiyak pa siya nang biglang may nagpaputok ng b***l.
Dahil sa kyuryusidad ko, lumabas ako at tumambad sa harap ko ang bangkay ng isang babae na naligo sa sariling dugo.
Napatakip ako ng bibig at halos maluha sa karumaldumal na nangyari sa babae.
Lahat sila ay nagulat sa biglaang paglitaw ko at 'yong babaeng sumisigaw kanina ay si Mecca?
"W-Who are you?!" Galit na tanong ko doon sa mga lalaking pumasok sa kwarto namin. "Nasaan si Margaux?!" Pasigaw na tanong ko pa nang hindi ko mahagilap ni anino ni Margaux. "At anong ginagawa niyo dito?!"
May takip na itim ang mukha ng mga nanloob kaya hindi ko sila makilala. Si Mr. Scott, Blue at Black lang yata ang kilala kong lalaki dito sa YH. Kahit sa Angels wala akong masyadong kakilala.
"Ito ang tatandaan niyo, mga Miss.. lahat ng nangingialam namamatay!" Pambabanta no'ng isa at dinuro pa kami. "Umalis na tayo!" Utos niya at saka sila kumaripas ng takbo palabas.
Pagkawala nila ay bumagsak na lang ako basta sa sahig dahil parang hinigop ng pangyayaring 'yon ang buong lakas ko. Nilingon ko 'yong babaeng duguan at nanginig ako sa sobrang takot.
Eto ang unang beses na may nakaharap akong bagong namatay at sa mismong kwarto ko pa. Hindi ko alam kung paano pa ako makakatulog pagkatapos nito.
Naramdaman ko ang paglapit ni Mecca ngunit agad akong lumayo sa kaniya at iniharang ang sariling mga kamay para pigilan siyang tuluyan na makalapit sa akin.
"W-What's happening Mecca?" Nalilitong tanong ko.
Umiiyak siya habang umiiling-iling na tumingin sa akin saka lumuhod sa harap ko.
"Y-You're not supposed to witness that." Emosyonal na wika niya.
"But I saw it already and you owe me an explanation. Why was that? Who are those bad guys? From where g**g are they belong?" Desperadang tanong ko pa.
Hindi ako matatahimik hangga't hindi mareresolba ang problemang 'to. YH should not allow this kind of war inside the campus. The institution should implement a strong policy against this one. Hindi ko na kayang makakita pa ng bangkay sa harap ko. I might lost my mind.
Napabuntong-hininga siya saka muling nagpunas ng mga luha. "Eto pa lang ang simula, Penelope. Marami ka pang masasaksihang mas m****o kaysa dito. But I'm afraid I can't tell you everything because.. they'll gonna kill me and your life will be in danger. I don't want that to happen. So, please.. just l-let this pass---"
"What?! Pass? No way! And why would I do that?! Sa mga nakita ko, inaasahan mong mananahimik pa ako?! Mecca, may buhay nang nadadamay at hindi makakapayag no'n! Hindi ko kayang palampasin 'to. Look at her dead body!" Turo ko sa babae na nakahilata sa sahig at walang buhay. "S-She's gone. And I don't want anybody else will die again!" Matigas na sambit ko pa.
"Stop it, Penelope! Stop it! Blood shed already! Let's just accept the fact that she's gone and we can't do anything about it---and it's her fate!" Galit na saway niya sa akin.
Napasinghal ako at hindi makapaniwalang tiningnan siya. "Are you out of your mind, Mecca?! You're telling me to shut up while those motherf*ckers out there continue spreading bad deeds?! What the---I can't believe you!" Nagpipigil na asik ko at hindi siya nagsalita. "We're Angels, right?! We're supposed to be protecting other people from those guys who kill with no mercy! Oh s**t!" Galit na sigaw ko habang lumuluha na rin.
"Penelope---"
"Please." Mabilis na pigil ko sa kaniya na ikinagulat niya. "Kahit ngayon lang, magpakatotoo ka sa akin. I'm so sick of being protected all this time! I don't want to prove you all that I can handle myself. Please...let me exists." Huling pakiusap ko bago tuluyang napuno ng luha ang buong silid.
Few hours later...
Agad na nakarating sa Headmaster ang nangyaring p*****n kanina sa dorm namin kaya mabilis ding kumalat ang balita sa buong school.
Nandito kami ngayon sa Prefect of Disipline para tumistigo sa nangyaring krimen.
"Where's Margaux?!" Natatarantang tanong ko sa mga tao nang maalala kong hindi pa namin nakikita si Margaux simula kanina.
"She's in the clinic. Calm yourself first---"
"What?! Bakit siya nandoon?! Anong nangyari sa kaniya?!" Naghihisteryang putol ko kay Ry.
"Shhh! Calm down, Penelope." Saway niya sa akin, boses pa lang nangangaral na.
'Tss! Bakit kasi hindi na lang sagutin ang tanong ko!'
Huminga ako nang malalim saka pinakawalan 'yon bago muling bumaling kay Ry. "Why is she there?" Kalmado nang tanong ko sa kaniya.
"Nabaril siya---"
"What?! Sino ang bumaril sa kaniya?" Gulat na tanong ko.
Pati 'yong ibang staff doon ay nagtataka sa inaasta ko pero wala akong pakialam sa kanila. Kaibigan ko na ang kinanti nila kaya magbabayad sila!
"'Yong tatlong lalaki na nanloob sa inyo kaninang madaling araw----"
Hindi ko na siya pinatapos at agad akong tumayo pero mabilis niyang nahawakan ang kamay ko.
"Saan ka pupunta?!" Nag-aalalang tanong niya sa akin.
"Yeah, where are you going, Penelope? We still need to testify about what happened. Mamaya muna puntahan si Margaux pagkatapos dito para sabay-sabay na tayo." Si Mecca.
Binawi ko ang kamay ko kay Ry saka sila tiningnan pareho.
"Kung may dapat mang tumistigo dito, ikaw 'yon, Mecca. Dahil ikaw ang nakakita ng buong pangyayari." Baling ko sa kaniya bago ko nilingon si Ry na nananahimik lang. "And Ry, stop meddling my way. Maybe, you're stronger and powerful in the g**g pero hindi niyo pa nakikita ang tunay na Penelope. I'm willing to spare a life for my loved ones." Makahulugang sambit ko sa kaniya at ibinulong ang huling linya saka tinalikuran sila.
Mabuti na lang at alam ko na ang pasikot-sikot dito sa building kaya mabilis ko lang nahanap ang clinic na kinaroroonan ni Margaux.
"Nurse, where is Margaux Aeisha Arizona?" Bungad ko sa nurse na nakabantay sa front desk.
"She's on the third ward---"
Hindi ko na siya pinatapos at agad akong nagtungo sa ikatlong ward na sinasabi niya.
Doon ko naabutan si Margaux na walang malay at may benda ang braso. Sinipat ko ang kabuuan niya noon ko lang napansin na hindi lang pala iisang sugat ang natamo niya, meron din sa noo at sa hita.
"She'll be awake soon. Masyadong maraming dugo ang nawala sa kaniya kaya---"
"Sino ka?!" Inis na tanong ko doon sa lalaking nagsasalita sa gilid ko habang nakasandal sa pundasyon ng ward.
Ngumisi siya saka tumingin kay Margaux. "I'm her guardian angel." Sagot niya at muling tumingin sa akin habang nakangiti.
Agad na nagsalubong ang mga kilay ko sa sinabi niya.
"Guardian angel? Nagpapatawa ka ba?!" Tanong ko pa.
"Hahahahaha---no." Mabilis na nagbago ang reaksyon niya. Mula sa pagtawa ay napalitan ito ng lungkot at sobrang seryoso ng mukha niya.
"Bakit ka nandito? Kaanu-ano mo 'tong kaibigan ko?" Pang-uusisa ko at umupo sa tabi ni Margaux.
"I'm Razor Will Ancelotti from Red C-note. Ako ang nagligtas sa kaniya kanina kaya umabot pa siya dito." Seryosong kwento niya at natigilan ako.
'He's from Red C-note? Ibig sabihin kasama siya ni Black?!'
Tumikhim ako at inayos ang sarili. "Paano nangyari 'yon? Wala naman siguro kayong kinalaman sa nangyari, hindi ba?"
"Siyempre, wala. Alangan namang ilaglag ko ang g**g namin kung sakaling forte namin 'yon. Tsk! Suicide 'yon!"
"Tss." Singhal ko. "Kung sasagot ka ng pabalang, lumayas ka sa harap ko. Baka hindi kita matantya."
"Woah! Woah!" Agad niyang itinaas ang mga kamay niya na para bang sumusuko na siya. "Chill. Hindi ako ang kalaban dito, okay? I saved your friend dahil nagroronda kami no'n ng mga kasamahan ko at nakita namin silang pinagtulungan si Margaux at 'yong isa niyo pang kaibigan na si Mecca Carson." Paliwanag niya at nakahinga naman ako nang maluwag pero wala pa rin akong tiwala sa kanila.
"Razor." Tawag ng isang pamilyar na boses pero hindi ko sigurado kung kanino kaya nilingon ko siya sa may entrance.
'Si snowman?!'
"Oh, Kenny? Anong ginagawa mo dito?" Tanong sa kaniya ni Razor.
"Pinapatawag tayo ni Black. Sa headquarters daw after ten minutes." Sagot ni snowman at agad na umalis.
'Tss. Mga hambog talaga!'
Nilingon ako ni Razor. "You can go now. Salamat sa pagbabantay sa kaniya habang wala ako." Inunahan ko na siya.
"Sige. Balitaan mo na lang ako sa kalagayan niya." Sabi niya saka ngumiti.
Pinagkunutan ko naman siya ng noo kaya agad na naglaho ang ngiti sa labi niya.
"Excuse me, we're not close. Bakit kita kailangang balitaan? Ikaw ba ang boyfriend nito?" Tanong ko pa sabay turo kay Margaux.
Nameke siya ng tawa saka nagkamot ng ulo. "Sabi ko nga dadalaw na lang ako para malaman ang kalagayan niya. Sige. I have to go." Paalam niya at kumaripas ng alis.
"Tss." Mahinang singhal ko at napabuntong-hininga.
Pinagmasdan ko ang inosenteng mukha ni Margaux.
"Ano ba kasing ginawa mo at nangyari sa'yo 'to? Tsk." Mahinang tanong ko sa kaniya kahit alam kong malabo niya akong sagutin ngayon. Agad akong nanlumo nang maalala ko ang huling usapan namin. I remembered that we're not in good terms dahil sa mga binago ko sa sarili ko. "Tsk! I'm sorry, Margaux. Sorry kasi wala akong nagawa para matulungan ka. I wasn't there noonh kailangan mo 'ko. Pasensya talaga dahil naging makasarili ako." Nagsisimula na akong pangiliran ng mga luha at noong kusa 'yong tumulo ay napatungo na lamang ako habang hawak-hawak ang kamay niya. "Please wake up now. Kailangan kita ngayon. Ikaw na lang ang pinagkakatiwalaan ko sa eskwelahang ito. You need to tell me everything. I need to know the truth para maipaghiganti kita. I'm so tired of watching them persecuting other people. This institution needs justice at ikaw lang ang makakatulong sa akin na ipatupad 'yon, Margaux." Umiiyak nang anang ko.
"Are you alright---"
Napabalikwas ako sa pwesto at awtomatikong napatayo nang may humawak sa balikat ko.
"You startled me!" Sigaw ko sa kaniya ngunit agad rin akong kumalma nang nakita kong si Blue lang pala.
"Did I scare you? I'm sorry, it's not my in---"
"Stop explaining, Blue." Mabilis na putol ko sa sinasabi niya. "Siya ang ipinunta mo, diba? Kaya 'wag mo 'kong kausapin." Seryosong usal ko.
"Are you crying?" Diretsong tanong niya at agad na lumapit sa akin kaya natigilan ako.
Nakalimutan kong galing pala ako sa pag-iyak at astang pupunasan ko na ang mga luha ko pero inunahan niya ako.
Nagkatitigan kami nang tiningnan niya ako sa mata. Pakiramdam ko ang init ng mga kamay niya at 'yon ang kailangan ko ngayon.
Napakalamig ng puso ko at 'yon ang init na makakapagpabalik sa dating Penelope na may puso, hindi nang-iiwan ng mga kaibigan, at hindi makasarili.
Napapikit ako sa sobrang panghihina at ayon na naman ang mga traydor kong luha, pero hinayaan ko lang na tumulo 'yon dahil agad din namang pinupunasan ni Blue.
Bago ko pa nalamang may nakatingin sa amin ay nayakap na niya ako at hindi nga ako nagkamali ng hinala dahil prenteng nakatayo si Black sa entrada habang magkakrus ang mga braso saka diretsong nakatingin sa amin.
Nagtama ang paningin namin pero hindi ko siya maramdaman. Parang may kakaiba sa kaniya ngayon ngunit hindi ko mawari kung ano.
Agad akong humiwalay sa pagkakayakap kay Blue at nagpunas ng natitirang luha.
"Do you need anything? Baka pagod ka na? Pwede namang ako muna ang magbantay sa kaniya." Prisinta ni Blue.
Ngumiti lang ako nang pilit at tumango. "Mmm. Wala pa nga akong tulog simula kagabi. Siguro, matutulog muna ako pero babalik rin ako agad." Pagdadahilan ko kahit ang totoo ay ayoko lang na magharap na naman sila ni Black, paniguradong g**o na naman 'yon.
"Mag-iingat ka. I-text mo 'ko kapag may hindi mangyaring maganda. I'm only one call away." Nakangiting sabi niya at tumango ulit ako.
"Asahan mong ikaw ang una kong lalapitan kapag may nangyari." Sambit ko at sumulyap kay Black na ngayo'y masama na ang tingin sa akin.
'Tss! Mainipin talaga ang king ina!'
Nakatalikod si Blue sa direksyon ni Black kaya wala siyang kaalam-alam na pinapanood kami ng baduy na 'yon.
Ginulo niya ang buhok ko pagkatapos ay mabilis akong naglakad paalis at hinila palabas si Black para hindi na siya makita ni Blue.
"So, how's your status now? I didn't know that he's treating you like his." Sarkastikong sabi niya habang nasa daan kami pabalik ng dorm. "Hey! Aren't you gonna answer me?! Is he your boyfriend?!" Galit na tanong na niya kaya kusa akong natigil sa paglalakad at hinarap niya.
"Why do you care?! Ano naman kung boyfriend ko siya, ha?" Patanong na sagot ko.
"What's wrong with you?! Are you dumb?! Can't you even see I'm jealous?!" Malakas na sigaw niya at literal akong napanganga, hindi dahil sa paghanga kundi dahil sa gulat.
"J-Jealous?" Natitigilang tanong ko pero hindi niya ako sinagot. "Bakit ka naman magseselos? Gusto mo din ba siya kaya galit ka sa akin?!" Inis na dagdag ko pa at agad na bumagsak ang mga balikat niya.
"What the f**k, Penelope?! Aish---"
"Then what?! Masyado mong ginugulo ang isip ko, Black! Kaya 'wag mo 'kong sisihin na hindi na matino ang pag-iisip ko!" Galit na ding sumbat ko sa kaniya.
Sinabunutan niya ang sarili saka naluluhang tumingin sa akin habang nakatiim ang bagang.
"You slow!" Sigaw niya at tinalikuran ako.
Nag-init ang mga kamao ko sa sinabi niya kaya hinabol ko siya at wala na akong pakialam sa mga nakakakita dahil nasa school ground lang kami ngayon.
Para kaming mga baliw na naghahabulan dahil tumakbo din siya nang nakita niyang humahabol ako.
Hanggang sa siya rin ang kusang huminto pero hindi niya ako nilingon kaya pumunta ako sa harap niya. Kahit habol ko ang hininga ay nakipaglabanan pa rin ako ng titig sa kaniya at sinapak ko siya!
Batid kong hindi niya inaasahan 'yon dahil sobrang nagulat talaga siya at hindi makapaniwalang tumingin sa akin.
"Ulitin mo pang tumakbo para layasan ang pag-uusap natin, hindi lang 'yan ang aabutin mo sa akin." Seryosong pambabanta ko sa kaniya.
Gulat pa din siyang nakatitig sa akin pero umiwas ako ng tingin.
"Did you just hit me?" Biglang tanong niya dahilan para lingunin ko siya ulit.
"I just realized what you said earlier," Huminto ako at diretsong tumingin sa mga mata niya. Ramdam ko ang pagkailang niya at ganoon din ako pero kailangan kong gawin 'to. "Kailan pa, Black?" Makahulugang tanong ko pero umiwas lang siya ng tingin.
"Tch. I don't understand you---"
"When did that feeling started?" Mabilis na pigil ko sa kaniya.
"What are you saying?" Inis kunwaring tanong niya kaya sinapak ko siya ulit. "s**t! What's your problem?!" Galit na asik niya ngunit pinanatili ko lang na blangko ang ekspresyon ko.
"I'm not dumb and blind, Black. So, listen to me carefully. I want you to stop that feeling as soon as possible because..."
"B-Because o-of w-what?" Halos nabasag ang boses niya sa sobrang pagpipigil ng emosyon.
At sinasabi ko, hindi siya magaling magtago ng nararamdaman.
'Tss.'
"I'm in love with someone else." Diretsong dugtong ko saka walang pasabi na umalis sa harap niya.
'I'm sorry if I have to lie to you. This is the best way to protect the whole school from war.' Sabi ko sa isip at tumakbo palayo.
To be continued...