Pagdating namin sa auditorium ay pinaupo na agad ang lahat pero kaming magkakaibigan ay sa harap pinapwesto.
"Baka ang pag-uusapan ay tungkol sa graduation kasi diba sabi magpapractice nalang tayo?" ani Aziel.
"Just wait for the announcement. I don't have any idea... Basta sabi ngayong buwan practice na natin," paliwanag ko.
Tumango-tango naman sila saka inantay nalang magsimula. Hindi pa din pala nasasabi kung sino ang cumlaude. Last time nagpost sila ng list sa bulletin is yung running for cumlaude pero wala pa yung final list.
Isa ako sa running for cumlaude pero parang ayoko kasi hindi ko naman alam kung makakapunta si Daddy eh. For sure Mommy will be with Ate Monica.
"Good morning everyone!" bati ng dean namin. "Pinatawag namin kayong lahat para i-announce ang magiging schedule niyo for your graduation practice. Of course, Magkakaiba ang schedule niyo dahil iba-iba ang course niyo,"
Tahimik lang ang lahat sa pakikinig at sinabi narin ang schedule ng graduation namin. Napalingon ako kay Noe ng siniko niya ako.
"Buti umaga ang practice natin 'no?" aniya.
Kumunot ang noo ko sa kanya. "Why? May lakad kaba?"
Umiling siya. "Nakausap ko na kasi yung pagseseminaran natin at hapon ang schedule natin,"
Tumango-tango naman ako saka tumingin sa harapan pero bumulong nanaman si Noe sakin.
"Diba magaling ka sa pag-eedit? Paggamit ng photoshop? Siguro ikaw ang hahawak non tapos si Tati ang bahala sa make up," masaya niyang wika.
I'm happy for her. It was her dream eversince when we we're in elementary. Well, My dream is to have my own business but I don't know what business.
"Planadong planado ha?" ngisi ko.
Humalakhak naman si Noe. "Of course! Actually, Matagal ng nasimulan dahil nakahanap ng place sila Dad at pinapaayos na nila,"
Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya. Buti pa siya suportadong supartado ng family niya.
Napalingon ako nung siniko ako ni Elijah saka tinuro ang stage. "I-aannounce na ang magiging cumlaude,"
"For sure ikaw yan Via," singgit ni Anwyll.
Nagkibit-balikat ako. "Ang dami ding matalino bukod sakin,"
"Suma cumlaude will be Ms. Avianna Shein De Villaga," nakangiting announce ng dean.
Nagpalakpakan ang lahat habang ang mga kaibigan ko ay nagtitilian pa.
Hangang sa matapos ang meeting namin ay ako ang usapan ng lahat miski ang schoolmate ko ay pangalan ko ang naririnig ko.
"Libre! Libre! Libre!" pang-aasar ni Anwyll.
"Buraot!" Irap ni Tati.
Napatawa nalang ako sa kanila kasi nagsisimula nanaman sila sa asaran.
"Tara, My treat!" ani ko.
Mahalata mo naman sa kanilang mata ang kinang na nagustuhan ang sinabi ko.
"Starbucks?" ani Tati.
Tumango ako sa kanila. Nag-apir naman ang mga kaibigan. Kapag talaga mga libre tuwang-tuwa akala mo walang allowance.
Habang nagmamaneho si Elijah ay hinawakan niya ang kamay ko.
"I'm so proud of you Babe! I'm sure Tito will be proud of you," ngiti niya.
Kinagat ko yung ibabang labi ko. "Do you think so?"
"Of course! Who wouldn't proud of you Via?" singgit ni Aziel.
Sinamaan naman ni Elijah ng tingin si Aziel sa rearview-mirror. "You really know how to be epal Aziel,"
"Oh, Sorry bro!" halakhak ni Aziel saka sumandal sa upuan. Tinawanan naman siya ng tatlo.
Pinaglaruan ni Elijah ang mga daliri ko kaya napatingin ako sa kanya. "But Aziel is right Babe... Kung ang schoolmate nga natin ay proud sayo e. Yung family mo pa kaya?"
I'm blessed to have this people beside me. They always make sure that I am happy. I can't see myself without a friends like them.
"Thank you Elijah for being here for me... Kayong mga kaibigan ko, Lagi kayong nandito para sakin,"
Nilapit niya ang kamay ko sa labi niya saka hinalikan ito. "I will be always here for you Babe... Magiging boyfriend mo pa ako,"
Kinantyawan naman kami nang apat sa likod na akala ko ay busy sa kanilang mga cellphone. Napailing nalang ako sa kanila kahit pilit sila sa pang-aasar.
"Good morning po Ma'am... May we know your order?" nakangiting wika ng Cashier.
"Cinammon Danish at Java chip blended coffee," ani ko saka nilingon ang mga kaibigan ko. "Kayo? What's your order?"
"Kung ano sayo babe, Ganon din akin." wika ni Elijah.
Tumango naman ako sa kanya tapos hinayaan ko ng sila ang magsabi ng order nila sa cashier.
"Wag nga kayong magulo... Para kayong bata oh, Malilito na sainyo si Ate!" saway ko kay Tati at Anwyll.
Ngumiti naman sakin ang cashier bago hinarap ang computer niya. Iniwan ko nalang din sila saka naghanap ng pwesto namin.
Naramdaman ko naman ang pagsunod ni Elijah sakin. Hinawakan niya ang kamay ko kaya napalingon ako tapos tinuro niya yung lamesa sa kabilang dulo na walang nakapwesto.
Pinaghatak niya pa ako ng upuan saka inalalayang umupo.
Ngumiti ako sa kanya. "Salamat Elijah!"
Pagdating ng mga kaibigan namin ay dala na agad nila ang orders namin. Tinawanan ko naman sila kasi dapat aantayin nila rito na tawagin kami pero talagang inantay nila don.
"Hindi kayo gutom 'no?" halakhak ko. "Talagang inantay niyo don e,"
Sinabunutan naman ako ni Tati kaya napatili ako. "Leche ka!"
"Hindi porket suma cumlaude ka Via ginaganyan mo na ako," ani Tati.
"What? I didn't do anything!"
Inirapan naman nila ako. Sumandal nalang ako sa upuan ko habang tinatawanan sila. Naramdaman ko ang braso ni Elijah na nakapatong sa sandalan ng upuan ko.
Nilingon ko naman si Elijah saka ngumiti. "I'm sorry!"
"Ayos lang babe!" aniya.
Hinampas-hampas naman bigla ni Anwyll ang lamesa kaya napalingon samin ag ibang customer.
"Aminin niyo nga samin. Kayo bang dalawa ay mag-boyfriend girlfriend na?" usisa ni Anwyll.
Tinaasan ko siya ng kilay. "Marites ka?"
Tataasan niya sana ako ng middle finger ng tumikhim si Elijah saka sinamaan siya ng tingin.
"I'm just curious," aniya.
Hindi pa naman namin napag-uusapan ni Elijah kung anong meron samin at hindi rin naman siya nagtatanong sakin.
"Hindi pa," ani ko.
Nilingon niya naman si Elijah pero nagkibit-balikat sa kanya si Elijah.
"No pressure... Ayoko siyang madaliin. I can wait for her,"
"Gagraduate nanaman tayo ng college ah? Bakit pinapatagal pa?" tanong niya nanaman.
Napaka-usisero talaga nitong si Anwyll kahit kailan. "Ikaw nga walang girlfriend ah? Matatapos na tayo pero bakit single kapa?"
Kumunot ang kanyang noo habang tinatawanan siya nila Noe at Tati.
"Ayan, Makitsismis ka pa kase..." ngisi ni Tati sa kanya.
Pagkatapos namin kumain sa starbucks ay nagpunta na kami sa office ng pagte-training namin.
"Elijah, You don't need to be there. Mag-tataxi nalang kami," pangungulit ko. "Lagi ka nalang nakabuntot sakin e,"
Kanina ko pa sinasabi sa kanya yan na wag na siyang mag-abala kaso mukhang nagbibingihan siya.
"Fine! Ihahatid ko kayo then aalis nalang kami," aniya.
Well, Atleast It was a good idea kaysa lagi niyang babantayan ang killos namin. Ayokong hindi siya nakakakilos dahil lang sa responsibilidad niyang ihatid or samahan kami.
"Magandang umaga mga madam!" masayang bati samin ng baklang staff.
Ngumiti naman ako. "Goodmorning!"
Bigla naman siyang napalingon sa likod ko at nagnining ang kanyang mata. Tinignan ko ang titignan niya.
"He's hot," ani nung staff.
Kinagat ko naman yung ibabang labi ko. Jusko pati bakla nagkakagusto kay Elijah. Hinawakan naman niya agad ang baywang ko ng makalapit siya sakin.
"Oh, He's your boyfriend?" aniya. "I'm Nicole by the way,"
Tinanggap ko naman ang kamay niyang nakalahad saka nginitian.
"Hindi ko pa siya boyfriend," wika ko.
Tumikhim naman si Elijah saka nilingon ako pero nagkibit-balikat lang ako. "But I'm courting her,"
"I see,"
Hinarap ko na si Elijah. "Sige na Elijah... You should go. Take this time to bond with them,"
"Hindi ba pwedeng mag-stay? Mas gusto kong ikaw ang kasama kaysa sa dalawang yan," pangungulit ni Elijah.
Narinig ko namang umalma sila Anwyll kaya mas natawa lang ako.
"Elijah, Hindi naman pwedeng ako nalang palagi ang kasama mo. Come on, You promise me na ihahatid mo lang kami diba?" ani ko.
Bumuntong-hininga si Elijah saka matamlay na tumayo. "Fine, I surrender!"
Hinalikan niya ako sa pisngi ko bago nagpaalam kay Tati at Noe.
Hangang sa makaalis ang sasakyan ni Elijah ay nakatanaw lang ako. Siniko naman ako ni Tati kung bakit ako napalingon.
"Elijah is so whipped..." ngisi niya.
Inirapan ko naman sila saka humarap kay Ma'am Nicole na nag-aasikaso ng papers.
"Umiiwas si Via." Tusok ni Noe sa baywang ko. "Do you like my twin brother?"
Kinunutan ko naman siya ng noo. "Ano ba yang sinasabi mo Noe,"
"Ano ka ba, He's courting you and it's been 6 or 7 months already... And before that you were friends too,"
"Exactly! We're friends. So----"
Pinutol naman ni Noe ang sinasabi ko. "We all know that he likes you that's why he's courting you. Now, Answer me. Do you have feelings for him?"
Kinagat ko naman yung ibabang labi ko. Hindi ko din kasi alam kung anong sasabihin ko sa kanila e. I'm not yet sure to my feelings.
Ngumiti ako sa kanya bago umiwas ng tingin. "I don't know but one thing for sure Elijah is important to me. He was always there for me. He's here to make me happy. He's here to make me feel loved,"
Tinapik ni Noe ang balikat ko saka ngumiti. "You didn't confirm but as I can see, I think you like my twin but if you're going to deny it. That's fine atleast I know you treasure my twin,"