Nandito kami sa gymnasium namin nag-aantay sa mga kaibigan namin. Nag-announce kasi na wala kaming klase dahil may meeting ang mga teachers.
Nagpapalit na ang mga kaibigan namin ng jersey nila kaya inantay nalang namin sila.
"Sino kaya ang makakalaban ng varsity players natin 'no?" ani Noe.
Nagkibit-balikat ako sa kanila dahil wala talaga akong idea sa I makakalaban.
"Wala bang sinasabi sainyo?" tanong ni Tati.
Umiling ako. "Hindi pa naman kami nakakapagmeeting about sa mangyayaring laban sa baskethall,"
Nabigla naman ako ng may humalik sa pisngi ko. "Elijah!"
Humalakhak naman siya saka pinisil ng bahagya ang pisngi ko. Tinabig ko naman yung kamay niya.
"Hey, Are you mad?" aniya saka tumabi sakin. Inirapan ko naman siya.
Daming tao tapos hinalikan niya ako kaya nagbulungan tuloy mga schoolmate namin. I really hate attention.
Hinawakan niya naman ako sa baywang saka pinatong ang baba sa balikat ko.
"Elijah, Ano ba!" iritang wika ko.
"Hey, Bakit kaba nagagalit?"
Hindi naman ako nakasagot ng narinig kong nagsalita ang coach nila.
"Aldston!" malakas na tawag ng Coach nila dahil bukod tanging si Elijah nalang ang nakaupo sa bleacher.
Pero hindi naman siya nilingon kaya sinenyasan ko si Elijah.
"What are you doing?" tanong ko.
"Let's talk!" aniya.
Tinignan ko ang coach nila na nakasimangot na.
"Tawag ka na---"
"Ayoko. Mag-usap tayo kung bakit ka nagagalit," putol niya sakin.
Bumuntong-hininga naman ako. He's hardheaded kaya for sure hindi yan aalis habang hindi ko siya kinakausap.
"Elijah, I'm not mad. I just hate the attention, You know that right? Napunta satin ang attention nung kiniss mo ako," paliwanag ko.
"I'm sorry,"
Ngumiti ako ng tipid sa kanya. "Sige na. Magsimula na kayo sa practice game niyo oh?"
Tinitignan niya lang ako kaya hinaplos ko ang braso niya. "Go. I'll watch you,"
"Ako lang ang papanuorin mo Babe ha?" aniya saka tumakbo palapit sa mga ka-team niya.
Hindi ko naman maiwasang mapangiti kay Elijah na nagtuturo sa mga ka-team niya ng diskarte sa laban.
He really loves basketball. Since we were in highschool, He's always part of the varsity.
Habang nanunuod kami ng practice game ni Elijah ay tahimik lang din na nanunuod mga kaibigan ko. Tanging tilian lang ng mga schoolmate naming babae ang maririnig mo.
Bigla namang tumunog ang cellphone ko. "Hello Elisse,"
[Ms. Avianna, Pinapasabi po ni Prof. Jeleen na may meeting raw po tayo ngayon,] wika ni Elisse ang sekretarya namin sa club.
Pero meeting? Ngayon talaga? I'm watching Elijah's practice game.
"Elisse, Do I really need to be there? You know, I'm here in gymnasium... Watching Elijah's practice game---"Hindi ko pa natatapos ang sinasabi ko ay narinig ko na ang boses ni Prof Jeleen.
[Ano, Elisse... Did you call your president?]
Napabuntong-hininga nalang ako. "I'll be there Elisse,"
Inayos ko gamit ko saka tinignan kung may chance bang makapagpaalam ako kay Elijah kaso mukhang malabo dahil patuloy padin ang paglalaro nila.
"Tati, I need to go...." ani ko.
"What?" sabay nilang wika ni Noe.
"But how about this game? I know it's just a practice game but you know my twin..." natatarantang wika ni Noe.
Nilingon ko naman si Elijah saka bumuntong-hininga. "I know but Elisse called me and Prof Jeleen is looking for me,"
Nagkatinginan silang dalawa kaya hinawakan ko ang kamay nilang dalawa.
"Just tell Elijah that I'm really sorry... Biglaang meeting lang talaga kaya I need to leave," ani ko saka hinalikan sila sa pisngi bago lumabas ng gymnasium.
I know for sure that Elijah will be mad at me but this is important because I am the president of the club.
Tanging ako nalang ang inaantay nila pagdating ko sa broadcasting room.
"Good evening po Prof Jeleen..." bati ko.
Nginitian naman niya ako. "I know you're watching Elijah's game but we need you here,"
Tipid akong ngumiti. "It's fine po..."
Umupo na ako sa bakanteng upuan sala nakinig sa discussion ni Prof Jeleen.
"So, I was saying dito sa St. Claire gaganapin ang basketball game natin kaya need niyong masiguradong maayos at malinis ang bawat sulok ng university," paliwanag ni Prof. Jeleen.
"Sino po ba ang makakalaban ng varsity natin Prof?" singgit ko.
Prof Jeleen smiled at me. "Great question... Sto Tomas University. Sila ang makakalaban natin,"
That's Ate Monica's school. Sana hindi kasama si Patrick sa varsity nila.
"Sa makalawa na ang laban kaya sisimulan na ang pag-aayos ng university. Understood?" dagdag ni Prof. Jeleen.
Napayuko ako sa cellphone ko na tumutunog. Nabasa ko naman ang pangalan ni Noe.
Noe:
Via, Elijah is disappointed...Hindi na rin siya nagparticipate sa practice game."
Kinagat ko yung ibabang labi ko saka tinago nalang ang cellphone ko dahil kahit anong gawin ko ay hindi ko rin naman magagawang iwan ang meeting.
This is important. I can leave everything for this.
"So, See you tom?" wika ni Prof.
Tumango naman kami saka sabay-sabay lumabas ng broadcasting room.
"Bye Pres," ani nila.
Ngumiti ako sa kanila saka kumaway. Noong nakita kong nakalayo na sila ay maglalakad na sana ako pabalik ng gymnasium ng maabutan ko ang mga kaibigan kong nag-aantay sakin.
Sa itsura palang ni Elijah mahahalata mo sa kanya na hindi niya nagustuhan ang pag-alis ko.
"Tapos na ang practice niyo?" mahinahon kong tanong.
"What did you expect?" malamig na wika ni Elijah.
"I'm really sorry if I need to leave... We had our meeting," paliwanag ko.
Umirap lang si Elijah kaya nilingon ko si Aziel at Anwyll pero ngumiti lang sila sakin.
"Elijah, Are you mad? You need t understand----"
"But I don't. I don't understand why you need to leave even you know already that I am expecting you to watched me!" putol ni Elijah.
Bumuntong-hininga ako. I don't know how to explain.
"Elijah, I told you already na nagkaroon kami ng meeting. Why do you want me to do? Wag umattend?"
"Edi sana nga hindi. Mas nauna ka namang nandon sa gymn diba?" inis na wika ni Elijah.
Nakita kong hinawakan siya ni Anwyll sa braso pero tinabig niya lang ito.
"Elijah, I can't do that. I'm the president and I supposed to be always there when they needed me,"
"But how about me? I need you to support me?!"
Kinagat ko yung ibabang labi ko. Actually, This issue is a petty.
Ngumisi naman si Elijah sakin saka tumayo ng tuwid. "Why did I expect right? I'm not your boyfriend. So, You'll never choose me..."
Lalagpasan niya sana ako pero pinigilan ko siya sa paraan na paghawak sa braso niya.
"I didn't say that I won't support you Elijah. I just need to finished my task, You know how much this club means to me right?" ani ko.
"I promise, I'll be there on your game..." dagdag ko.
Pinikit niya ang mga mata niya saka napabuntong-hininga. "I'm sorry Via for being selfish. I just want you for myself,"
Ngumiti ako sa kanya saka hinawakan siya sa braso. "Bati na tayo? You're not mad at me anymore?"
"Hindi kita matiis,"
Nung nagkaayos na kami at napaliwanag ko na sa kanya kung anong napagmeetingan namin ay inaya niya ng ihahatid na ako sa pag-uwi.