__Victorique's POV__ NAWALA sa isipan ko na alisin ang helmet nang sa wakas ay makarating ako sa bahay. Wala naman talaga akong ideya kung saan ang kinaroroonan ng hudyong iyon, nagtanong lang ako sa prisinto kung nasaan ang lokasyon ng bahay niya. Actually, I've been riding the motorcycle for two hours straight, and yes I was panicking for the whole few hours or so. Medyo malayo rin kung nasaan nakatago ang safe house ni Chauslte kaya natagalan ako. "Yna!" Tawag ko sa pangalan ng kaibigan habang tinatakbo ko ang lugar papunta sa front door ng bahay. Pinihit ko ang seradura dahil wala akong balak kumatok, ngunit nang madali ko iyong nabuksan ay natigilan ako. No one in their right mind would an owner leave their home unlocked. Especially for someone like Pierce, or should she say Alex

