__Victorique's POV__
"WHERE have you been?" Agad na tanong sa akin ni Ynalee nang sa wakas ay nahanap ko na ang grupo nila. Nakaupo sila sa isang lamesa kasama sina Elle, Saskiya, Phearius at Kei. Ang mga ito ay may kanya-kanyang pagkain na ningangalngal.
Umupo ako sa bakanteng lamesa at hinarap sila. Lahat ang mga mata nila ay nakatuon sa aking direksyon.
"What?" Sabi ko. "Nagpunta lang ako sa restroom!"
"Okay..." Maikling tugon ni Yna habang nakatitig pa rin sa akin.
Nang mapansin kong hindi pala siya nakatitig sa mukha ko ay sinundan ko ang tinititigan niya, na walang iba kundi ang singsing na nasa daliri ko.
"Hay...," Yna mutters dreamily. "kailan ba may luluhod na lalaki para sa akin?"
"Para mag-propose?" Tanong ni Saskiya.
"Hindi para sambahin ako, anak naman ng--pati ba naman 'yan tatanugin mo?"
"Ayy...akala ko kung anong luhod na eh," Tumango-tango si Saskiya na halatang may kakaiba pang kahulugan ang sinabi. "By the way, Victorique, bakit parang hindi ka masaya?"
"Hah?" Napaangat ako ng paningin at nilibot silang lahat.
Halata sa mga mukha nila na sumasang-ayaon sila sa sinabi ni Saskiya.
"B-bakit niyo naman iyan nasabi?" Nakangiting saad ko.
"I won't get you wrong, it's just that it ain't good to be engaged." Napalingon kami bigla kay Kei.
Nilingo ko naman si Kei na patuloy lamang ang paglingon sa kanyang relong pambisig. I couldn't blame him if he was that reluctant to leave the party. I invited him in his most busy day. He just started his work as a doctor and now was living separated from his parents at the age of twenty. Lagi lang nga ito may katawag kaya minsan nagtataka dahil lagi niyang pinaprioritize ang kung sino mana ang tumatawag.
"Tell me about him." Phearius leaned forward as he pointed at Spencer's direction using his lips.
Kinunotan ko siya ng noo, "Huwag mong sabihin na pati sa lalaki ay interesado ka na ngayon?"
Imbes na maasar sa sinabi ko ay tinaasan niya lang ako ng isang kilay.
"Kung bakla man ako hindi ako papatol sa mukhang aso."
Pinanlakihan ko siya ng mata. "Why did you call him a dog?"
HInaplos niya ang ligaw na buhok sa noo sa naka-wax nitong buhok.
"In case you did not know, with the both of you he is like the dog and you got the leesh."
"Ano?!"
"Teka, relax lang. Birthday ni Victorique kaya pagbigyan mo naman si Ate Ric-Ric."
Pumagitna bigla sa aming dalawa si Saskiya. Pero muntikan ko na talaga dambahin ang lalaking ito. Bakit ko nga pala siya inimbita sa kaarawan ko? Nasira na tuloy!
Before I forgot Saskiya is the little sister of Ynalee, Phearius is my cousin and Kei is the son of Uncle Sphere. It's a little awkward when we first met, my father would always invite his friends and my uncle at home, bringing them. Since we only got a little age gap, it did not take time for us to be close. Even by our different personalities. I mean really. Now that we are together here, there is only one word to label each one of us.
The observer
The obnoxious
The peace maker
The doubtful
And...I'm the stubborn.
They said that we make the perfect pair, not because we are related to each other, but because we have different perceptions in life.
"Oo nga pala, nasan na pala sina mama at papa?" Tanong ko sa kanila.
Ninguso ni Phearius ang isang magkatambal na sumasayaw sa mga nagsasayawan na mga tao. Napahinga ako ng malalim. Sila na ang sweet.
Ano ba ito, pati mga magulang ko pinuputakte ko ng inggit!
Napatingin ako bigla sa kamay ko kung saan nakalagay ang singsing. Hindi ko alam kung bakit sa lahat ng parte ng kamay ko na pwede kong mapansin ay ang palapulsohan ko pa ang tinitigan ko. Para kasing naiwan ang init ng kamay 'niya' dito.
"Ric-Ric." Biglang tawag sa akin ni Ynalee. Nang ligonin ko siya ay hindi ito nakatingin sa akin. Nalaman kong si Spencer ang tinititigan niya nang sundan ko ang direksyon ng tinititigan niya. "Even if you accepted his proposal, I still doubt him."
Lahat kami ay napatingin naman sa kanya.
"Ate, you're spoiling her night—" Saskiya was interrupted when Ynalee held out a finger to stop her.
"Saki, do not talk if you don't know a single thing!"
Napipi si Saskiya saka tumahimik lang sa isang tabi.
"I don't know about all of you, even you Victorique. But the day of your disappearance he was the most noticeable." Magsasalita na sana ako para palabulanan ang kanyang sinabi nang muli siyang magsalita. "When you were kidnapped, he's with you. When you are found he's with you. It took us everything to find you, while he found you easily when he had a mission."
Ngayon ay tinignan ko siya ng nakakunot ang noo. "Yna, what the hell are you saying?"
"It's as if he knew that you are the one that have been taken by that godfather or whatever he was called."
Taken? Godfather? Iyon ba yung manyaking matanda na nagfe-feeling Christian Grey? Ano na ulit pangalan ng hukluban na iyon?
"Diba nga, may nag-tip daw sa mga kasamahan niya kung nasaan ako."
Si Kei ang sumagot. "No, they have been chasing the godfather, and the tipper only said the whereabouts of the godfather." Sabi niya habang pinagsalikop ang dalawang kamay. Pinatong niya ang siko sa lamesa at pinatong ang kanyang baba.
Alam ko ang habit niyang iyon. Ibig sabihin lang nito na nakuha ang kanyang interest sa topic naming lahat.
"What exactly did the tipper said?' Curious na tanong ko.
"He said that he was a witness. Nakita niya daw ang hideout ni Mister Gomez. Sinabi niya rin na may darating na bagong subject si Mister Gomez." Sagot ni Ynalee. "Pero ang pinagtataka ko lang ay kung bakit kilala niya si Detective Spencer. Tinanong niya kasi kung sasama si Spencer sa imbestigasyon. Nang makuha ang sagot ay pinatay na niya ang tawag."
Napatingin ako bigla sa kanya nang sabihin niya iyon. Judging from what she says, you could not blame her if she got intrigue by the mystery surrounding Spencer--
Mystery?
"What are you talking about?"
Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang marinig ko ang boses ni Spencer sa likod ko. Pati din ang mga kasama ko sa lamesa ay biglang tumikhim.
"A-ah, wala naman!" Si Saskiya na ang nagsalita. Lumingon-lingon siya sa paligid. "Ayy...wala na palang masyadong tao. Nasa designated room na yata ang iba. Late na rin naman kaya Ate Yna, tara alis na tayo."
Biglang tumayo si Saskiya at hinila si Yna na balak pa yatang pigilan ako na sumama kay Spencer. Pero wala na itong nagawa nang tumayo na rin sina Elle at nakisama sa paghila sa kanya. Thank you guys for giving us privacy...
Pero tama naman si Saskiya. Kaunti nalang ang tao sa paligid. Tweleve na rin naman kasi ng umaga. Magma-madaling araw na rin natapos ang party.
"Tara na."
Yakag ni Spencer. Sinunod ko naman siya at tumayo na rin. Nilingon ko ang lugar kung nasaan si mama at papa. Si mama lang ang lumingon sa akin at ningitian lang ako.
Hindi ko alam kung bakit bigla akong namula. Para kasing iba ang binibigay na permiso sa akin ni mama sa pamamagitan ng ngiting iyon. Hay...ito na naman po tayo sa pagiging malikot ng aking imahinasyon. Whew! Imagination can be deadly ika nga.
"Dito na ang room ko." Sabi ko saka tumigil sa tapat ng pintuan ng kwarto ko. "Salamat sa paghatid sa akin."
Tinignan niya ang numerong nasa pintuan ko at muling binalik ang paningin sa akin.
"Your room is far away from mine." Sabi niya saka tinignan ang lugar na hula kung nasaan ang kanyang room.
"Saan ba yung sa'yo?" Tanong ko.
Tinuro niya ang panglimang room mula sa room naming dalawa ni Eros.
"Hindi naman ganoon kalayo."
Sumimangot siya, yung tipong nagaaktong nagtatampo. "Ang layo na kaya sa'yo."
"Baka kasi gawan mo ako ng kung anu-ano pag malapit lang ang room natin."
"I will never do that," Parang bata na sumpa niya. "I promise to walk with you on the aisle, untouched."
Napangiti ako sa sinabi niya. Napansin kong bumababa na ang ulo niya sa akin kaya agad akong lumayo sa kanya at tumawa.
"Then do not kiss me again until our marriage."
"Ahh...you got me there woman." He laughed softly.
Huminga ako ng malalim saka bahagya siyang tinulak papunta sa kanyang designated room.
"Sige na pumasok ka na." Sabi ko. May pasok ka pa sa trabaho bukas.
"Ikaw lang naman trabaho ko bukas--aray!"
Pinalo ko nga sa braso. Ang kulit kasi. "Isa! Aalisin ko itong singsing."
"Joke lang, ito namang si wifey nagiinis kaagad."
Kinusilapan ko lang siya at naglakad palayo sa kanya at pumunta sa tapat ng room ko at tinanaw siya mula dito. Kinaway ko ang isang kamay ko. Ganun din ang ginawa niya. At ang loko nag-flying kiss pa. Umiling-iling ako at kinuha ang lumilipad na kiss na iyon kahit hindi ko makita at nilagay sa pisngi ko.
He smiled once again. And it was the last thing I saw before he turns his back and went inside his room. It's been minutes since he went inside and I just kept on standing in front of my door. Looking at my ring, I can't help but to imagine my life with him. Hindi ko rin maiwasan na isipin ang sinabi ni Yna sa akin.
Maybe there is really something mysterious about Spencer that I denied looking at...
"What are you doing in front of the door?"
Muntikan na akong mapatalon nang bigla akong makarinig nang nagsasalitang ipis.
"Akala ko ipis, kapatid ko lang pala."
"What did you just called me?"
"Wala." Sabi ko saka pumasok sa kwarto namin.
Pinalibot ko ang paningin sa buong kwarto. Muntikan na nga ako mapasubsob nang makita ko ang kama. Ang ISANG kama na nasa kwarto.
"Ano ito?!" Bulyaw ko kay Eros na calm lang na nakatayo sa likod ko. "anong kalokohan ito?"
Tinignan niya ang tinuturo ko.
"Bed." Maikling sagot niya.
"Oo nga higaan pero seryoso ba sila? Bakit isang higaan lang?"
Nagkibit-balikat siya. "It's not as if we could do something about it." Sabi niya. "And it's not like I want to sleep next to you."
"Line ko iyan ah!"
Nagkibit-balikat ulit, "Wala ka nang magagwa. Kung ayaw mo akong katabi, pwes tumabi ka nalang sa so called fiancee mo."
"Talaga! Kahit anong mangyari, hindi ako tatabi sa iyo! No, NEVER!!"
But we ended up sleeping together anyways. Si Eros tulog na tulog na sa tabi ko habang hindi ako madalw-dalaw ng antok. Kahit nga anong galaw ko ay hindi na siya magising. Parang hinigop lahat ng antok sa katawan ko. Nakakaasar, kung hindi lang nga sa pinagiisip ko dahil sanangyari ngayong gabi ay dapat kanina pa ako tulog.
Tinignan ko ang orasan. Magto-two na rin ng madaling araw, at heto akp di pa rin makatulog.
Nilingon ko si Eros na nakapasak pa ang headset sa ulo. Tumayo ako at inalis ang headset sa kanya at pinakinggan ang mga pinapatugtog niya.
Nalayo ko ang earpiece nang marinig ang sigaw doon. Naku! Kakaiba rin itong kapatid ko at puro heavy metal ang pinapatugtog. Sa sobrang kaadikan sa rock ay ginawa na ring lullaby.
Pinatay ko nalang nga ang phone niya. Kinuha ko ang jacket ko para pangtakip sa nightgown ko saka lumabas ng kwarto. Medyo naka-horror theme lang nga sa labas dahil dim na light na lamang ang nagsisilbing liwanag. Pero hindi bale na, pupunta lang naman ako sa labas pala magpahangin. Magaala-Rose nalang ako ng titanic na may imaginary Jack sa tabi ko at tutal naman tulog na ang Jack ko.
Hindi pa ako nakakaabot sa labas nang mapansin ko ang isang studio na nakabukas. Ang hula ko ay ito ang bar ng ship pero wala na ang tugtog at ang nakakahilo na lights kasi natutulog na ang mga guests. Nagtataka lang nga ako kung bakit bukas pa iyon.
I peeked inside and saw a bartender standing at the stool. May pinupunasan siyang babasaging baso habang sumusunod sa tunog ng jazz music sa background. Balak ko lang sana titigan siya. Ngayon lang kasi ako nakakita na babaeng bartender.
"Hi there." Bigla siyang lumingon sa direksyon ko na ikinagulat ko. Tinuro ko pa ang sarili ko. "Me?"
Ngumiti siya at niyaya akong lumapit sa kanya sa pamamagitan ng kanyang kamay. Sumunod na lamang ako at nilapitan siya. Nang nasa harapan na niya ako ay may binigay siya sa aking isang bote ng two by two at isang baso. Napatingin naman ako sa kanya bigla.
"B-bakit ito--"
"I know what you are looking for." Kninunotan ko siya. "It seem like you have a problem."
Mangha akong napatingin sa kanya. "Paano mo alam?"
"Simple lang, of all places bakit ka pa dito nakapunta? At saka madaling araw na hindi ka pa rin nakakatulog. Tulala ka rin kanina sa party."
"Nandoon ka?"
"Isa ako sa mga waiter."
"Ahh..." Tumango na lamang ako.
Binuksan niya ang bote ng two by two at sinalinan ako sa baso. Nilapit niya iyon sa akin at tinaggap ko naman at inisang lagok. Nang ibaba ko na ang baso ay muli niya akong sinalinan.
"Naku, mukhang malaki-laki ang problema mo." Sabi niya saka muling nilapit sa akin ang baso na agad ko ding nilagok. Iniwan na niya sa akin ang bote ng two by two at binalik na ang atensyon sa ginagawa.
"Pwede ba akong mag-open up sa iyo?" Tanong ko.
I must be crazy, opening up my problems to a stranger. Pero okay lang naman iyon sa akin. I sometimes think that opening up with a stranger is better for me. New person, new advice. Pag kilala mo kasi ang nago-open up at kilala rin ang mga taong involve sa problema, they sometimes have to lie in order for me not to hurt. Mga strangers pranka. Basta yung mukhang mapagkakatiwalaan.
"What's your problem, Miss Birthday Girl?"
"Miss Bartender," I adressed her after taking a mouthful of liquor I am drinking. "Pag ba gusto mo yung isang tao, normal lang ba na maging alanganin ka sa magiging future niyo?"
Tumango siya. "Normal lang iyon. Since you are considering the future for the both of you."
"Pero iba kasi ang iniisip ko." Sabi ko at muling nagsalin ng alak sa baso at nilagok iyon.
Napangiwi ako ako nang dumaan iyon sa lalamunan ko.
"Iniisip ko na parang...iba ang magiging kalagayan ko sa kanya."
"Iba?"
"Na parang hindi kami magiging katulad nila papa at mama pag kasal na kami."
Napansin ko na natigilan siya sa pagpupunas ng baso.
"What do you think is the reason?"
Natigilan ako. Ano nga ba ang rason kung bakit iyon ang iniisip ko? Dati naman wala namang rason para hindian ko siya kasi nga gusto ko naman siya. Pero nung...
No it can not be, that guy is not the reason why I was hesitating to marry Spencer...
"Is there another guy?" Napatingin ako sa kanya sa sinabi niya. Gustong sabihin na wala pero alam kong hindi iyon totoo--teka, totoo pala iyon. Ano ba iyan naguguluhan na ako!
Huminga siya ng malalim, "There is, I could tell."
"I could really say that I have a relationship with him. It's kind of complicated, with that other guy I mean. Pero lagi siyang sumisingit sa utak ko kapag iniisip ko ang proposal ni Spencer. Na parang, na parang..." Napatigil ako sa pananalita.
Napahawak na rin ako sa ulo ko kasi medyo mahilo-hilo na ako sa nainom kong alak. Nang ligonin ko ang bote ay naubos ko na pala iyon. Siguro naman niyang ay makakatulog na ako nito.
"Salamat pala sa pakikipagusap sa akin--" Natigilan ako sa pananalita nang mapansin kong nakatingin na pala siya sa akin na parang inoobserbahan ako.
"You like the other guy."
Hindi ko alam kung lasing lang ba ako kaya kung ano na ang naririnig ko pero kung iyon man ang sinabi niya ay tinawanan ko na lamang iyon.
"That's impossible!"
Nakangiting sinabi ko saka tumayo na mula sa upuan at naglakad palayo. Pagewang-gewang na ako dahil umiikot na ang mundo ko.
"Wait!"
Naramdaman ko na hinawakan niya ang kamay ko na ikinatigil ko. Nang ligonin ko siya ay doon ko napansin ang malaking peklat sa kanyang kaliwang pisngi, natatakpan iyon ng buhok niya kanina kaya hindi ko iyon napansin.
"You must be sure with your feelings or you might end up hurting the other person."
Hindi na ako nakapagsalita sa kanyang sinabi at dumiretso na ako pabalik sa floor kung saan ang designated room ko.
It can not be. I have feelings for that devil?! Siya ang kumidnap sa akin, he treats me badly ang he wanted to kill me. Is she saying that I like a murderer?
Napahawak ako sa dibdib ko ng mahigpit kung saan nakalagay ang peklat na iniwan ng pagkabaril sa akin ng demonyong iyon.
I can not be...with that kind of person...who almost killed me.
Si Spencer lang ang mahal ko. Kaya siya lang ang papakasalan ko. At papatunayan ko iyon ngayong gabi!
Kahit hilong-hilo ako ay pinilit ko pa rin ang mga paa ko na puntahan ang kanyang designated room. Sh*t! Ang dilim lang nga ng paligid kaya hindi ko masyado makita ang number ng mga kwarto!
Hinanap ko ang room ko at nagsimulang magbilang. One, unang kwarto...two, three--
Bigla ang natumba, hindi ko na nga kasi makayanan ang pagkahilo ko. Saan na ako nagbilang?
Ahh...dito banda, four, five!
Ito na iyon! I stood up jerkely and punched his door.
"Spencer! Spencer! Buksan mo ang pintuan!" Mu voice were already slurred.
Saka ko lang naalala na sound proof pala ang mga kwarto kaya pinindot ko nalang ang doorbell. Pinindot ko iyon ng pinindot, hindi na kasi ako makapaghintay. Nagiinit na rin ang buong katawan ko, iisipin ko pa lang ang kung anong gusto kong gawin sa kanya.
"Spencer, buksan mo ito!" Malambing na sabi ko. May sorpresa pa naman ako sa kanya--
Natigilan ako nang biglang bumukas ang pintuan at sumalubong sa akin ang madilim na anyo ng kwarto. Nang iangat ko ang paningin ko ay nakita ko ang isang bulto ng tao na nakatayo sa aking harapan. Wala akong makita pero naaamoy ko ang amoy ng tao sa harapan ko.
Hihi, inaamoy ko na ngayon si Spencer. Ang manyak ko!
"What are you--"
"Sshh..." Pinigilan ko ang kanyang bibig sa pamamagitan ng daliri ko. Nang magsalita kasi siya kanina ibang boses ang naririnig ko. That devils voice is everywhere, and it's invading my mind!
But I will not let him invade my life. Spencer is the one I love, and nothing else!
"Alam mo bang ang gwapo mo?" Malanding saad ko. "Yung amoy mo and--ohh...ano itong pandesal na ito?"
Gumapang ang kamay ko sa kanyang hmm mala-pandesal na abs, ayay!
"Pero bakit mas lalo kang lumaki kaysa kanina--"
"T-that's because I am not--"
Hindi ko na siya pinatuloy ang sa pananalita at nilapit sa kanya ang mukha ko at hinalikan siya sa mga labi--teka ilong pala iyon.
"What the hell--uhm!" Iyon kaunting gapang lang ng lips ko ay nahanap ko na rin ang labi niya.
Salamat sa help ng alak at marunong na rin akong manggapang, haha!
Naramdaman kong napatigil siya sa ginawa ko. So I let go of his lips and bit his lower lip.
And said the words I never thought I'll say. Thanks again for the liquor, I finally learned how to dirty talk.
"Have s*x with me."