Confrontation

1423 Words
Chapter 8: Charms and Bribery ‎Henzyl's POV ‎ ‎“Ok, that's all for today,” sabi ko sabay ngiti. ‎ ‎Click. Click. Click. ‎Sunod-sunod na pagsara ng laptops, pag-roll ng mga folder. 3 oras na sales review tapos na. Salamat naman. ‎ ‎Mahirap talaga magpatakbo ng company. Pero mabuti na lang, effective ang charms ko. ‎ ‎Kahit matagal atleast natapos na, ‎para saan ang sipag at kagwapuhan ko kung di gagamitin. I'm sure Daddy Reign will be proud of me. ‎ ‎One point for Henzyl. Zero for corporate boredom. ‎ ‎Tiningnan ko relo ko. ‎ ‎12:00 NN. ‎ ‎Lunch time. Finally. Gutom na ako. Plan ko, Sunny café. Tahimik. Walang ingay. ‎ ‎ ‎“Sir Henzyl, excuse po,” boses ni Abigail. ‎ ‎Secretary ko. Class A. Walang palya. ‎ ‎Inangat ko ulo ko. Nakaupo pa rin ako sa head ng table, inaalis yung blazer ko. Ang init sa conference room. ‎ ‎“May scheduled meeting po kayo with Mr. Aragon at 3:00 PM. Remind ko lang po,” sabi niya, propesyonal na propesyonal. ‎ ‎“I-resched mo, Ms. Abigail. May pupuntahan akong importante.” ‎ ‎ ‎“Ok noted sir, thank you.” ‎Mabilis siyang nagsulat sa folder niya. Tapos tinaas yung tingin. ‎ ‎“And by the way, you look beautiful sa gupit mo,” biro ko sabay kindat. ‎ ‎Flirt mode? Default setting ko yan. Stress reliever ko rin. Pag hindi ako nag-flirt kahit once a day, parang kulang yung araw. ‎ ‎Namula siya. “T-thank you sir,” tapos mabilis lumabas. ‎ ‎Classic. One point for me. Zero for her composure. ‎ ‎Tumayo na ako. Inayos ko yung tie ko. ‎ ‎Khaki suit today. Light, clean, chill vibe. Dapat ganyan ako tingnan kahit magulo na utak ko dahil sa office work. Kayang-kaya. ‎ ‎Lumabas ako ng conference room. ‎ ‎Naglalakad ako sa hallway. Bumabati yung mga employees. ‎ ‎“Good afternoon, Sir Henzyl!” ‎ ‎"Good afternoon," I smiled. ‎ ‎Hindi ako strikto. Si Daddy oo, pag dumaan siya dito, tahimik lahat parang may funeral. Ako? Okay lang basta tapos trabaho. Mas gusto ko magaan atmosphere. Mas mabilis gumalaw tao pag hindi takot. ‎ ‎Inayos ko collar ko. ‎Tapos— ‎ ‎WHOOSH. THUD. ‎ ‎May sumampa sa likod ko. ‎Muntik na akong matumba. Yung tie ko, nag-slide. Balance ko, muntik nang di makabawi. ‎ ‎“Hoy! Sino—” ‎“Kuya Henzyl ang sama mo, kaya—” ‎ ‎Ayun na nga ba. ‎Si Lily. ‎Anong ginagawa ng batang to' dito, wala ba siyang pasok sa work. ‎ ‎Ag ingay lang. ‎ ‎Parang unggoy na nakasabit sa likod ko, dalawang binti nakalock sa bewang ko. ‎ ‎“Lily ano bang ginagawa mo, pinagtitinginan tayo dito,” saway ko. ‎ ‎Pero hindi ko siya binaba agad. Kasi pag binaba ko yan, mas malakas magdrama yan. ‎ ‎Naglakad na lang ako habang karga-karga siya. Parang bata na ayaw bumaba sa sa pagkakarga ng papa niya. ‎ ‎“Bakit mo sinabi kay Kuya McNeille yung inimbento kong kwento tungkol kay Yen?!!” ‎ ‎Ayan na. ‎ ‎Pout mode activated. ‎ ‎Hindi ko siya nakikita pero alam ko nakalabi yan. 100% sure. ‎ ‎Yung boses niya, may halong iyak-iyak na pikon. ‎ ‎Inayos ko yung pagkakasampa niya para di siya madulas. ‎ ‎“Umayos ka nga. Yung dress mo may slit tapos nagpapakarga ka sa akin. Malay ko ba na inimbento mo lang yun?” ‎ ‎Kailangan ko magpaliwanag habang naglalakad. ‎ ‎Nakakahiya? Oo. ‎ ‎Pero mas nakakahiya kung dito pa siya magwawala sa gitna ng hallway. ‎ ‎Nagbulungan na yung mga tao sa paligid. ‎ ‎Yung iba ngiti-ngiti. ‎ ‎Yung iba parang sila yung nahihiya. ‎Sayang charms ko today. Babawi ako mamaya. Basta mailabas ko lang to ng building, tapos na problema ko. ‎ ‎“Ang sabihin mo, matabil yang bibig mo,” lintanya niya. ‎ ‎Parang bata na nagmamaktol. ‎ ‎Cute pero tolerable naman. ‎ ‎Yung tipong gusto mo pagsabihan pero gusto mo rin asarin. ‎ ‎“Akala ko kasi may babae siya na hindi kinwento sa akin,” paliwanag ko. ‎ ‎“Kaya tinanong ko siya kung sino si Yen. Ako bestfriend niya. Dapat alam ko yun.” ‎ ‎Pagdating sa babae, kilala ko halos sila mga fling ni McNielle. Kaya na curios ako kung sino si Yen. Kaya naman pala hindi ko alam kung sino ay dahil imbento lang bubwit nato'. ‎ ‎“Eh bakit mo alam?! Nasa baba ka non’ diba?! ‎‎Ang lakas naman ng hearing ability at radar mo, alien ka ba na may antenna?” ‎ ‎ ‎Ayan na. Sci-fi na pumasok. Noong nakaraan K-drama pinagsasabi niya sa akin. Yung utak nito, walang filter. ‎ ‎“Akala ko ba K-drama romance pinapanood mo? Di ko alam sci-fi na pala genre mo ngayon. Pinalitan mo?” sarcastic tone ko. ‎ ‎Ang haba ng hallway. Parang walang katapusan. ‎ "Wag mo ibahin usapan KUYA!!!" Atungal niya. ‎“Eh muntik na tuloy ma-cut yung allowance ko! Kasalanan mo to!” ‎Tinuro niya pisngi ko gamit hintuturo niya. Ang kulit. ‎ ‎Saan ba siya nakakakuha ng energy booster.Pwedeng makahingi. Bata talaga. Kahit 22 na, ugali 12 pa rin. ‎ ‎Tumigil ako sa paglalakad. Sandali lang. ‎ ‎“Sige babawi ako,” sabi ko. Mababa boses ko, parang secreto lang namin dalawa. ‎ ‎“If itutuloy ni McNeille na di ka bigyan ng allowance, ako magbibigay. Ok na ba yun?” ‎ ‎Bribe mode activated. ‎ ‎Kailangan ko siyang patahimikin bago kami makarating sa lobby. Ayokong makarating kay Daddy to. ‎ ‎“Plus ibibili kita ng limited K-pop merchandise. Balita ko may bago daw ngayon.” ‎ ‎Weakness unlocked. ‎ ‎“Talaga? Hmm… pag-iisipan ko—” ‎Kunwari nag-iisip. Alam ko naman oo na yan. 3 seconds lang yan. Kilala ko na ugali nito. ‎ ‎“Sige na, limited time offer ko. Bahala ka.” ‎Himok ko ulit. Parang salesman. ‎ ‎“Sige na nga pero napilitan lang ako ah! Kawawa ka naman kuya. Sige libre ko na lunch natin.” ‎ ‎Yun oh. ‎Nakagat. ‎ ‎Mabilis mauto ang batang to. K-pop at allowance lang, katapat na. ‎Huminga ako ng maluwag. Sa wakas, kalmado na siya. ‎ ‎“Good. Baba ka na bago ka mahulog at ako pa kasuhan ng child abuse.” ‎ ‎"Child abuse, di na ako bata noh!!" Reklamo niya. ‎ ‎Dahan-dahan kong binaba siya. Inayos niya dress niya. Inayos ko tie ko. ‎ ‎“Fine. Pero pag sinungaling ka sa K-pop merch, babalik ako. At mas malakas akong sisigaw.” ‎Banta niya. ‎Pero nakangiti na. ‎ ‎Yung mata niya, kumikislap na. ‎ ‎Naglakad kami papuntang elevator. ‎ ‎Ako, cool lang. Blazer nakasabit sa balikat, isang kamay sa bulsa. ‎ ‎Siya, daldal pa rin sa tabi ko. Kwento nang kwento tungkol sa bagong comeback ni bias niya. ‎ ‎Habang nakikinig ako, napapansin ko… ‎Ang ingay niya. Ang kulit niya. Ang daldal. ‎Pero hindi nakaka-irita. ‎ ‎Kakaiba si Lily. ‎Sa lahat ng tao sa paligid ko—mga board members, clients, employees—siya lang yung kayang gambalain ako, asarin ako, tapos tatawa lang at magpapa-cute ng malala. ‎ ‎Siya lang yung kayang sumampa sa likod ko sa gitna ng opisina ko at hindi ako mapipikon. Sabagay hindi gawain ng matinong tao yun. ‎ ‎Kasi baby naming tatlo nila McNielle at Shunem. ‎Yung bata na pinagtatawanan ko, pinoprotektahan ko rin, binibiro ko… gaya kay Shunem. ‎ ‎ ‎“Hoy! Kuya Henzyl! Nakinig ka ba?!” ‎Sigaw niya sa tenga ko. Napatalon ako. ‎ ‎“Oo, oo nakikinig ako. Bias mo si Jungkook, gets ko na.” ‎ ‎“Eh bakit wala kang reaction?!” ‎ ‎Tumawa ako. “Kasi gutom na ako. K-pop later. Food now.” ‎ ‎Pumasok kami sa elevator. ‎Ako, tahimik lang. ‎Siya, dikit pa rin sa akin, nagke-kwento pa rin. ‎ ‎ ‎Damage controlled. Allowance saved. K-pop merch pending. ‎Another day, another Lily crisis handled. ‎ ‎
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD