Khieth POV, Halos liparin na namin ni Four ang daan pa punta sa gubat. Nakayakap lang ako sa kanya ng mahigpit. Binaba niya ako sa batis kung saan ko siya sinagot. Maingat niya naman akong binaba. "Papatayin mo ba ako Four sa bilis?" Tanong ko ang lakas kasi ng t***k ng puso ko. "Hindi, pero sa pagmamahal ko oo." Sagot niya habang nakatingin sa akin. Halos lahat ng dugo ko pumunta sa mukha ko. Walang hiyang bampira ang talas ng dila. " Baby diba slave mo ako? Pero bakit?" Tanong ko sa kanya nakalimutan na ba niya. "Dahil mahal kita Khieth kaya hindi ko iyon magagawa sayo." Sagot niya, pakiramdam tinunaw ang puso ko, I never expected that Four will love me like this. Ngumiti nalang ako. "I will never take your dignity Khieth, may oras para diyan but ito lang ang allowed na gawin k

