Khieth POV, Itinali nila ang kamay ko at ang paa ko dinala nila ako sa garden. Ramdam ko ang galit nila sa akin. Linapitan ako ni Four na nakangisi parang sinasakal ako sa sakit ng puso ko dahil sa kasinungalingan ni Four. Sobrang sakit kapag nangako sayo ang isang tao o bampira at hindi matutupad. Pakiramdam mo niloko ka, pinaglaruan, pina-asa sa wala. Napaluha ako ng hinugot ni Four ang kutsilyo sa likuran niya. Binaba nito ng kaunti ang damit ko, hindi ako makapalag dahil sa malakas siya. Unti-unting hiniwa ni Four ang dibdib ko. Pero bago doon ang marka niya sa likuran ay katulad ng inukit nila sa likuran ko. Hinubad ni Four ang damit ko at unti-unting kinagat ang leeg ko, naramdaman ko nalang na parang napapaso ang likuran ko nakita ko na umilaw ang buo kung katawan. May nabuo

