Khieth POV, Nagising ako dahil sa sakit ng katawan ko, kung ganon buhay pa ako. Hindi pa ako patay. Tiningnan ko ang katawan ko nakatali sa haligi na semento puno ng dugo ang damit ko, gusot-gusot na ang dress ko. Dumudugo parin ang paa ko na pinaso ng umaapoy na espada. At mukhang bali rin ang mga paa ko dahil sa palo nila ng tubo. Masakit rin ang likuran ko maraming tuyong dugo ang mukha ko. Ang dami ko ring sugat sa katawan. Ano ba ang kasalanan ko sa kanila. Nag mahal lang naman ako at wala na silang karapatang paghiwalayin kami isang simpleng tao lang naman ako na napadpad dito sa mundo ng mga bampira. Kung nag-aalala sila na baka ipagkalat ko ang lahi nila pwes nagkakamali sila hindi ko naman kayang ipahamak ang mga mahal ko dito. Kahit papaano naging parte na sila ng buhay

