“The universe has its way of healing itself.” *** Lianna looked sideways pakiramdam niya kasi ay may nakatingin sa kanya. She's inside a boutique in a mall. Namili siya ng mga kulang na gamit ng triplets. Yung guestroom na katabi ng kuwarto ni Liam ang ipina-convert nilang room ng triplets. May ipinagawa pang tatlong kama ang asawa niya para sa mga bata with a detachable crib each. Yung isa ring guest room ay ipinagawa nitong playing area for toddlers na kumpleto sa gamit. It was all Vaughn's idea kaya naman masayang-masaya siya. He is very hands on when it comes to the kids. She was waiting for her receipt nang lumapit ang body guard sa kanya. “Ma'am, nakita po naming umaaligid si Ms. Janine.” Bulong nito sa kanya. Umakyat ang inis sa dibdib niya. Hindi niya maintindihan kung an

