“There is always a reason to celebrate every second of the day.” *** “Are you serious?!” Napatingin si Lianna kay Vaughn na nakatutok sa daan habang nagsasalitang mag-isa. Nagda-drive ito at kanina pa nakangiti. Hindi na nga yata nawala ang ngiti sa mga labi nito. Ngayon naman ay kinakausap nito ang sarili na parang baliw. “Really?!” saad ulit nito at natawa. Napatawa siya. Tuluyan na nga yatang nabaliw ito. “Triplets talaga??” nakangiti ulit nitong sambit na parang hindi makapaniwala. “Are you insane? Kanina mo pa kinakausap yang sarili mo.” Natatawa niyang saad dito. Vaughn glanced at her with a smile. “Tell me I am not only dreaming!” She can’t help herself from chuckling at his crazy antics. Pauwi na sila galing sa hospital. Ang saya lang tingnan ang asawa niyang tuwang

