“Patience. Never lose it. It’s a great weapon against any kind of struggle.” -jazlykdat *** “Vaughn,” niyugyog niya ito habang mahimbing ang pagkakatulog. It’s already midnight. Nagising kasi siya at nakaramdam ng gutom. “Why? May problema ba?” Napabalikwas ito at natarantang umupo sa kama at tumabi sa kanya. “Nagugutom kasi ako,” Lianna replied softly. Agad na napalitan ang pagkabigla nito ng ngiti sa labi. “Yun lang pala. Akala ko kung ano na,” tugon nito. Tumayo ito mula sa kama at humawak sa kamay niya. “Come. Let’s rummage the kitchen. Ano bang gusto mong kainin?” nakangiti nitong tanong. “Kahit anong prutas,” nahihiya niyang sagot. She really feels ashamed na ginising niya pa ito. Ayaw naman kasi niyang manggising ng kasambahay at gusto niya talaga si Vaughn ang sasama sa

