“Slide through the rainbow once in a while.” *** “Hello! Tapos na ba ang drama?” Napatingin siya sa paligid nang umalingawngaw ang boses ng ate niya. Napatawa siya nang makita silang lahat na umupo sa katabing mesa ng mga biyenan niya. Her brother and his family are also smiling widely as they took their seats. “We learned about the whole story. Hindi pala ikaw ang nagpapadala ng regalo sa amin. Nakakatampo ka Lian, alam mo ba ‘yon?” hayag ng ate niya. Nakaramdam siya ng guilt. “Sana sinabi mo ang sitwasyon mo sa amin para na-giyera natin yang asawa mo. Eh di matagal na sana kayong nag-kaayos.” Natatawang dagdag ng ate niya. She asked Vaughn for the mic para makasagot siya pero natatawa nitong inilayo. “You are not allowed to talk. You’ll only listen,” he said laughing. Napasima

