Hindi siya magkanda-ugaga sa pagkarga sa mga dalahin niya pero nagagawa niya paring makangiti sa mga nakakasalubong niya. Kahit hirap sa sitwasyon niya ngayon ay masaya naman siya. Anniversary kasi nila ngayon ng boyfriend niya. At ang lahat ng dala niya ay gagamitin niya para sa sorpresang ihahanda niya para rito.
Plano niyang ayusan ang unit nito gamit ang pagiging artistic niya. Gusto niyang hindi nito makalimutan ang first ever anniversary nila kaya lahat ng effort na kaya niyang gawin ay handa niyang ibuhos ngayon sa unit nito.
Black Empire Hotel
Halos mabali ang leeg niya kakatingala sa tuktok ng malaking building na nasa harapan niya. Sa pagkakaalam niya ay mga kilalang personalidad lang at mayayamang negosyante ang nakakakuha ng unit sa hotel na iyon.
And for her... Hindi naman siya makapapasok roon kung hindi dahil sa boyfriend niyang si Steve. Steve Alarcon is a model. Hindi ito ganoong sikat pero marami-rami narin itong naabot sa larangan nito. She's with him for almost a year now. He is a loving partner and a very down to earth man. Walang araw na hindi niya naramdaman na espesyal siya para rito kaya masasabi niya na napaka swerte niya dahil nakilala niya ito.
The man, she's dreaming about. Iyong tipo ng lalaking pakakasalan niya.
As she start entering the hotel ay sinalubong siya ng magarang lobby. Kahit ilang beses na siyang nakapasok roon ay hindi parin niya mapigilang mamangha sa mga nakikita niya sa paligid. Lahat kasi ng gamit doon ay yayamanin.
Napaka laki ng lobby ng hotel. Para na iyong bungalow na bahay sa luwag. Pinaghalong modern at vintage ang disenyo ng bawat kagamitang naroon. Sa gitna ng lobby ay may napakalaking chandelier pa na talaga namang nakakatawag ng atensyon. It was so eye catching. Napakasarap pagmasdan kasi mai-imagine mo na sa isang palasyo ka pumasok.
Saglit niyang tinapunan ng tingin ang mga taong nasa lobby. They're all look so elegant. Kung hindi business attire ay mga naka designer's clothes sila. Suddenly, she feel a little out of place. Dahil narin siguro sa suot niyang floral dress na nabili niya lang sa bangketa.
She took a deep breath. Hinanap niya ang elevator. She don't have time to pity herself. Kailangan na niyang magmadali.
Nang makita niyang papasara na ang elevator ay nagmamadali niya iyong tinakbo. Sa kamamadali ay hindi na niya namalayan na ang napasukan niya pala ay iyong elevator na ipinagbabawal gamitin ng mga ordinaryong tao na katulad niya. Exclusive lang kasi iyon sa may-ari ng hotel at sa iba pang malalakas ang kapit sa itaas. But since it was not empty. Agad napalagay ang loob niya na tama lang na naabutan niya iyon bago sumara.
Nang makapasok na siya ay pinindot niya agad ang floor ng unit ni Steve. Tapos isa-isa niyang inilapag ang mga dala niya maliban sa cake na siya pa mismo ang nag bake. Nasa 52'th floor pa ang unit ni Steve kaya para hindi mangalay ay sumandal siya sa railing sa gilid.
Doon niya lang napansin na nakatingin pala sa kaniya ang lalaking sakay ng elevator. Hindi niya maipinta ang mukha nito. Tila masama ang gising nito at masama ang hilatsa ng mukha. Gwapo naman sana ito, matangkad, matangos ang ilong, mapanga, pero dahil sa iba ang pagkakatitig nito sa kaniya. Para siya nitong kakainin ng buhay. Hindi niya naman ito kilala kaya malabong may atraso siya dito.
"Tss..." Sumuko narin ito at tumalikod sa kaniya.
Mabuti nalang at bumukas na ang elevator dahil baka 'pag tumagal pa siya roon ay matarayan na niya ito. Nasa floor na siya ng unit ni Steve kaya lumabas na siya. Kunwari ay wala nalang siyang anomang nakita.
Back to her things. Sinimulan na niyang lakarin ang hallway papunta sa pinto ng unit ni Steve. Half way through ay naisipan niyang tawagan ito, just to make sure na hindi pa ito nakakauwi. Because it will ruin the surprise kung mahuhuli siya nito.
Medyo natagalan pa si Steve sa pagsagot ng telepono, so she assume na marami parin itong ginagawa hanggang ngayon. Hindi pa siguro tapos ang pictorial nila. Tamang tama lang iyon para sa plano niya.
"Hi babe." masiglang bungad niya sa boyfriend.
"Shannon? Alam mo busy kasi talaga ako ngayon eh. Hindi pa tapos ang shots namin. Can I call you later nalang?"
"Ah yes. Gusto ko lang siguraduhin na aabot ka sa dinner date natin, later?"
"Yeah of course. It's our special day. See you later na lang. I love you." and he hung up.
Napakunot nalang ang noo niya nang agad siyang babaan ng telepono ni Steve. Anyway, that's good for her. Dahil mase-set up niya ng maayos ang unit nito.
Plano niyang magkalat ng balloons sa buong sala. Palalawitan niya iyon ng mga ribbons. Tapos maglalagay siya ng ilang pictures nila sa mga nakalawit na ribbon. Magluluto rin siya ng favorate nitong pasta dish. That's her perfect plan. Sana lang ay magawa niya iyon ng maayos bago ito makabalik.
Nang makatapat na siya sa pintuan ng unit ni Steve ay inilabas niya mula sa bag ang duplicate key card ng unit na iyon. Ibinigay iyon sa kaniya ng nobyo para kahit anong oras niya raw gustuhing bumisita ay pwede siyang pumasok sa unit na iyon kahit wala ito. Katulad ngayon.
Nanlaki ang mga mata niya ng tumambad sa paningin niya ang nakaayos na unit ni Steve. Hindi siya makapaniwala na naunahan siya ni Steve sa plano niya. Mukhang pareho sila ng naisip. Maraming lobo ang nakasabit sa dingding. Pati sa lapag.
Hindi niya napigilang mapangiti. Mukhang pinaghandaan din nito ang araw na iyon.
Teka.
Bahagyang nangunot ang noo niya nang mapansin ang tshirt na nakapatong sa sofa. Hindi makalat na lalaki si Steve, kaya bakit doon lang nakalapag ang hinubad nito. Lalo pang nadagdagan ang pangungunot ng noo niya nang may makita rin siyang pantalon sa sahig. At meron ding palda?
Hindi niya gusto ang nagsisimulang tumatakbo sa isip niya. Pero hindi niya mapigilan ang mag-isip ng masama dahil sa mga nakikita niya.
Please. Huwag naman sana.
Hindi siya dapat na magpadalos dalos. Gusto niyang makasigurado. Maingat at mabagal niyang tinahak ang daan patungo sa bedroom. Napapikit siya ng mariin ng makarinig ng ungol mula roon. Habang papalapit siya nang papalapit ay papalakas rin nang papalakas ang mga ungol. Mga ungol ng taong nasasarapan.
Hindi nakasara ang pinto ng bedroom kaya naging madali sa kaniya ang makita ang nasa loob. Nang tuluyan na siyang makapasok doon ay halos malaglag ang panga niya dahil sa tumambad sa kaniya.
Walang anumang saplot si Steve habang gumigiling sa ibabaw nito ang isang hubad na babae. Mas lalo siyang nagulat ng makilala ang kaniig nito. Si Hilda iyon, isa sa mga kaibigan niya. Napapapikit pa ito habang tila sarap na sarap sa bawat pag kembot ng bewang nito. At dahil hindi nila napapansin ang presensya niya ay sumigaw na siya.
"WOW. NAPAKAGANDANG PALABAS!" nagtatagis ang kaniyang mga bagang.
"Oh my God." gulat na sabi ni Hilda. Nagmamadali nitong dinampot ang kumot na nasa gilid ng kama at ipinangtabon sa hubad na katawan.
Si Steve naman ay tarantang tumayo. Isang unan ang nahagip nang kamay nito na agad na ipinangharang sa pribadong pag-aari, bago tuluyang humarap sa kaniya.
"Shannon?"
Napapikit siya nang mariin. "Kailan pa Steve ha?"
"I'm sorry." anito.
Natawa siya.
I'm sorry? Imbes na mag explain ito ay iyon lang maririnig niya? Hindi siya makapaniwala!
Lalapit sana sa kaniya si Steve pero agad niya itong pinatigil. Itinaas niya ang kaniyang kamay.
"Hindi mo ako lalapitan ng ganiyan ka!" Pinasadahan niya ito ng tingin simula ulo hanggang paa.
Napatigil naman ito sa gagawin sanang paghakbang. "Shannon?"
Once agin, he called her name. May gana pa itong tawagin ang pangalan niya sa paraan ng pagtawag nito noon. She bitterly smile. Nakakatawa. Paano nito nagagawang punoin ng pagmamahal ang pagtawag sa kaniya.
"Oh well, mukhang pareho tayong na sorpresa. Happy fuckin anniversary."
Nagsimula ng kumawala sa mga mata niya ang pinipigilang luha kaya bago pa siya makitang umiiyak ni Steve ay tinalikuran na niya ito.
Humahangos siyang pumasok sa elevator. Sa totoo lang hindi niya alam ang iisipin niya. Gulong gulo ang utak niya ng mga sandaling iyon. Masyadong masakit para makapag isip siya ng maayos.
Nakayuko niyang pinindot ang button sa elevator. Nang sumara na ang pinto ay doon siya nagsimulang humagulgol ng iyak. Iyong galit na pinipigil niya kanina pa ay bigla nalang kumawala sa mga mata niya.
Bakit ba kasi 'to nangyayari sa kaniya? Bakit sa dinami-dami ng araw ay ngayon pa niya matutuklasan ang kabulastugan ng nobyo?
Bakit?