Kabanata 9: Assh*le

1148 Words
Dahil sa mga narinig ay lalong nadagdagan ang inis niya sa lalaking nasa harap niya. Kinuha na nga nito ang bagay na pinaka-iingatan niya ay may gana pa itong tawagin siyang manunuhog. Hindi siya makapaniwala. Dahil alam niyang wala rin namang patutunguhan ang pakikipag-usap niya sa lalaki ay tinalikuran niya na ito. Wala naman siyang obligasyon na magpaliwanag dito. Wala rin siyang pakialam sa iniisip nito. Napakalaki ng mga hakbang na ginawa niya para makapasok agad sa banyo. Pgdating doon ay agad siyang pumasok sa isang cubicle at nagtitili dahil sa inis. Isasara na sana niya ang pinto ng cubicle pero napatigil siya ng may humawak noon at kinontra ang ginagawa niya. To her surprise, it was Caydhen. Sinundan siya nito sa loob ng banyo. Marahas siya nitong itinulak papasok sa cubicle at iniharang nito ang malaking katawan sa pinto. Hindi tuloy siya makatakbo. Wala siyang pwedeng daanan para makalayo dito. "Ano bang ginagawa mo?" asik niya dito. Titig na titig ito sa mga mata niya. Tila may hinahanap ito roon na hindi niya malaman kung ano. Dahil ayaw niyang makita nito ang hinahanap ay mabilis siyang nagbaba ng tingin. Hinawakan naman nito ang baba niya at pilit na ibalik ang dating posisyon ng ulo niya. "Your mine. Your my property." matigas nitong sabi. Naramdaman niyang nalaglag ang panga niya. Hindi siya makapaniwala sa naririnig niya. He was owning her. Dahil lang sa nangyari sa kanila? Is he out of his mind? Wala itong karapatan na ganituhin siya. "Alam mo kung ano ka? Baliw ka! Nasisiraan ka na!" Ang dami niya pa sanang gustong sabihin na mga masasakit na salita dito pero pinatahimik siya nito gamit ang labi nito. Her eyes widen. Sa bilis ng pangyayari ay hindi niya nagawang makaiwas sa paghalik nito. Ilang segundo pa bago siya nakapag-react. This man is kissing her intensely. Hindi niya hahayaan na tapakan nito ang pagkatao niya. Hindi porket minsan na siya nitong na tikman ay mabilis siya nitong makukuha ulit. Galit niyang kinagat ang labi nito. Agad siya nitong nabitawan. Napamura ito sa sakit. Bahagyang dumugo ang labi nito pero wala siyang nararamdaman na awa para rito. Kailangan niyang makaalis sa cubicle kaya mabilis siyang kumilos. Alam niya ang maselan na bahagi ng katawan nito ang kahinaan nito kaya iyon ang inasinta niya. Tinuhuran niya ito. "s**t!" Napaupo ito at namilipit sa sakit. Tamang-tama para magawa niya itong maisog at mabuksan ang pinto ng cubicle. Tatakbo na sana siya palabas ng banyo pero laking gulat niya ng muling makatayo si Caydhen. Nakabawi na ito sa natamong sakit. Hinawakan nito ang braso niya kaya muli na naman siyang napatigil. "Ano ba, bitawan mo ako!" Wala na siyang pakialam kung may makarinig pa sa kanila. Patawarin nalang siya ni Lantis pero magwawala siya kapag patuloy parin siyang ginulo ng kapatid nito. "Leave her alone!" Sa wakas ay may dumating rin para tulungan siya. Pagtingin niya sa lalaking nagbukas ng pinto ay agad napalis ang ngiti na nakapaskil sa labi niya. Mas malala pa pala iyon. Para siyang sinusubok ng tadhana. Of all places and peoples pa talaga. Bakit ang dalawang lalaki na ito pa ang makikita niya sa gabing iyon. Unti-unti na namang bumabalik sa alaala niya ang mga nangyaring pilit niyang kinalilimutan. Hindi pa siya handang makita si Steve. Hindi ngayon sa sitwasyon na kinasasadlakan niya. "Wala kang kinalaman dito. Mind your own business!" singhal dito ni Caydhen. "Your holding my girlfriend. She's my business." matigas na sagot naman dito ni Steve. Naipit na siya. Bigla siyang natigilan. Hindi niya alam kung kanino sa dalawa siya papanig. Parehong may masakit na ginawa sa kaniya ang mga ito kaya naguguluhan na siya. "Your girlfriend?" hindi makapaniwalang tanong ni Caydhen sabay tingin sa kaniya. Tila hinahanap nito ang sagot sa mga mata niya. "This is f*****g unbelievable." dugtong pa nito. Ang akala mo ay alam na nito ang lahat. Siraulo. "Just let her go." kukunin sana ni Steve ang braso niya na hawak ni Caydhen pero siya na ang gumawa ng paraan para hindi siya nito mahawakan. "Don't you dare touch me." galit niyang singhal dito. Lalo pang tila naguluhan si Caydhen sa nangyayari. Bigla itong tumahimik at tila sabik na pinanuod silang dalawa ni Steve. "Shannon, I was just helping you." "Helping me? Get the hell out of my life. That's a really big help." Marahas niyang hinila ang kamay niya na hawak ni Caydhen. Binitiwan naman na siya nito. Sa wakas ay malaya na siyang nakalabas sa banyo. Pero hindi agad tumigil si Steve. Hinabol siya nito. "Shannon please... Let's talk." "Leave me alone Steve. Just leave me alone." Hahawakan sana siya ni Steve para mapatigil pero hindi pa man nakakadikit ang kamay nito sa braso niya ay may pumigil na dito. It was Caydhen. He pulled Steve's arm. Binalya nito si Steve at tumayo sa harap niya para harangan ang paglapit sa kaniya ng binata. "You already heard what the lady wants. He want you to leave her alone." Caydhen. "And leave her with an asshole?" may pang-aasar na sagot naman nito sabay pinasadahan ng tingin si Caydhen. "You don't know me, don't you?" nakangising sagot ni Caydhen. Nagsimula nang may makapansin sa ginagawa nilang pagtatalo. It was her fault. Mukhang masisira pa yata niya ang birthday ni Lantis. "I don't f*****g care who you are. Wala kang karapatan na makisawsaw sa problema namin ng girlfriend ko..." Steve. Napamulagat siya ng bigla nalang magpakawala ng suntok si Steve. Sa lakas ng suntok nito ay pumaling sa ibang direksyon ang ulo ni Caydhen. Nang muli nitong iangat ang ulo ay sapo na nito ang sariling panga. Nadagdagan pa tuloy ang namumulang parte ng mukha nito. He deserve that. Alam niya iyon pero tila may maliit na parte ng pagkatao niya ang ayaw na makakita na nasasaktan ito. Or maybe she was just concern because it was his ex who punch him? Dahil iniisip niya na mas masama parin ang ex niya kaysa rito. Maya-maya ay nagsidatingan na ang mga guard. May dalawang humawak agad sa magkabilaang braso ni Steve. Ang iba naman ay punong-puno ng pag-aalala na nilapitan si Caydhen. "Mr. Quinn, ayos lang po ba kayo?" Nagsidatingan narin ang mga kapatid ni Caydhen. Bakas sa mga mukha nila ang pag aalala. Agad nilang dinaluhan ang kanilang kapatid. "What happened?" Winsley. "Ayos ka lang bro?" Evander. "Damn it! Kumuha kayo ng first aid kit!" utos naman ni Graham. Lahat sila ay nilapitan kaagad si Caydhen, maliban kay Lantis na siya ang agad na kinausap. "Ayos ka lang ba?" "Ayos lang ako." Habang nakikipag-usap dito ay napagawi ang tingin niya kay Caydhen. Hindi niya maipaliwanag ang hilatsa ng mukha nito. Mukha itong malungkot na parang nagluluksa. Nakatali lang ang tingin nito sa kaniya. Kahit nang hilahin na siya ni Lantis palayo roon ay hindi parin naalis ang tingin nito sa kaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD