"Hey are you ok? f**k! What did I do..." Napahilamos ng mukha si Caydhen ng makita ang itsura ni Shannon. Taranta niya itong tinakbo. Bawat bahagi ng katawan nito ay ni-examine niya. Nang makita ang duguang tuhod ng dalaga ay punong-puno ng pag-aalala ang mukha niyang tiningnan ito. f**k! This is all my fault! Nasabunutan niya ang sariling buhok. Hindi niya malaman kung ano ang gagawin niya sa dalaga. Nakatitig lang ito sa kaniya at nakatulala. "I'm really sorry." Mangiyak-ngiyak niyang sambit. Sinimulan na niya itong buhatin. Ayan na siya. His excitement over flows nang makita niyang naglalakad na palabas ng opisina si Shannon. Bitbit nito ang mga binigay niyang regalo. Nang makita niyang nagpalinga-linga ito sa paligid ay agad niyang pinagana ang makina ng minamaneho niya ngayong tax

