Clifford Santibañez POV "Borgs, bantayan mong mabuti si Mishang. Parang kakaiba siyang kumilos ngayon." utos ko dito. Kumamot siya sa ulo. "Sir Ford, lahat naman yata ng tao pinagdududahan nyo. Hindi ba at napa imbestigahan naman na natin siya? Saka wala namang kakaiba sa kanya. Halos manginig na nga sa takot iyong tao tuwing may ipag uutos ka." Katwiran nito. Tinitigan ko siya. Mukang tinatamad na naman siya sa ipinagagawa ko. Hindi naman kase talaga siya sang ayon sa ginagawa ko. Parang si Hanz pero wala lang silang magawa kung hindi ang sumunod sa akin dahil iyon ang gusto ko. "Wala o tinatamad ka lang?" Tanong ko dito. Ngumisi ito sa akin. "Naku Sir Ford, kailan ba ako tinamad sa tuwing ikaw ang mag uutos? Hindi naman ah? Tantanan nyo muna kase si Mishang. Napaparanoid na naman ka

