Renaissance's Pov "Ressee." Napatingin ako sa pintuan saglit bago ko ibinaba ang blower at binunot 'yon sa saksakan. I stride to the door and open it only to saw an irritated expression on his face. Pinasadahan n'ya ko ng tingin mula paa hanggang ulo. Tumikhim ako at pilit na ngumiti sa kanya. "May kailangan ka?" I asked a cracked a smile. Pinangunutan n'ya ko ng noo saka n'ya sinipat ang loob ng aking kwarto maging ako'y napatingin rin tuloy doon. "Wala ka raw dalang kotse sabi ni Manang, sumabay ka na lang sa 'kin mamaya ta's uutusan ko na lang iyong driver ko na kunin ang kotse mo sa unit ni Klau." Aniya bago naglahad ng kamay sa 'kin. I gawked at him for a moment. "Iyong susi, para maibigay ko na ro'n sa uutusan ko." Napatango ako sa kanya ng ilang ulit bago ko

