Renaissance's Pov "Tangina! Napaka-scammer ng hayop na 'yon! Kung nasaan man s'ya sana lamunin s'ya ng tubig na hinayupak s'ya!" Gigil na paglalabas ko ng hinanakit kay Rex at Heather nang sa wakas ay nakabalik na rin ako sa kabishanan mula sa halos isang linggong pananatili ko sa mala-gubat na bahay ng matandang hukluban. Tinaasan kilay ko lamang si Heather na simpling humahagikhik sa gilid habang malisyosang nakatingin sa 'kin. "Baka naman kaya ka naiinis kasi lumayas kaagad si Klau pagkatapos ng reception ng biglaan n'yong kasal at ni hindi ka man lang muna n'ya diniligan." Diretsahang sinabi n'yang nakapagpatameme sa 'kin sandali, napaisip ako bigla kung 'yon ba 'yong dahilan. "Ano? S'yempre hindi! At kung halaman man ako, isa akong cactus mabubuhay ako kahit hindi madili

