Renaissance's Pov Tumikhim ako at bahagyang binasa ang aking labi habang tahimik kaming kumakain sa kauna-unahang pagkakataon. Ang awkward lang ng ganito, hindi ako sanay na tahimik pa rin ang paligid kahit na nandito na s'ya. I guess wala s'ya sa mood para bwisitin ako, baka pagod s'ya. Nag-angat ako ng tingin at napatitig sa kanya ng bitawan n'ya ang mga kubyertos na hawak n'ya bago n'ya pinagsiklop ang kanyang kamay. Tumaas ang aking kilay at nilunok ang pagkaing aking nginunguya bago ko s'ya tuluyang hinarap para tanungin. "Bakit? Hindi mo ba nagustuhan? Matabang ba o ano?" Sunod-sunod na tanong ko sa kanya. A mischievous smile crept into his lip as his eyes spark in mischief. What does that look mean? Ba't parang nag-iinit na kaagad ako dahil sa mga titig n'ya? "Hi

