" T-Terrence! A-Ano ba ang ginagawa mo?" wika ni Xia nang simulan niya itong yakapin ng mahigpit." Bakit hindi ka nagpapaalam ha? Umaalis ka na lang ng biglaan kanina withour even saying a single word!" " Natutulog ka atsaka pinag-usapan na natin kahapon di ba? Pumayag ka pa nga na isang linggo kami rito? Hindi na kita ginising dahil nga natutulog ka!" sagot nito sa tanong niya. " Baka magalit ka pa sa'kin!" " Next time, magpaalam ka ha? Baka aalis ka na lang ulit at mawawala na parang bula!" sambit niya sa babae. " Yung mga anak ko, sila ang iniisip ko dahil ayaw ko nang mawalay sa kanila." Magsasalita pa sana siya ngunit may kumakatok na sa labas ng pinto ng bathroom. " M-may tao pa ba sa loob? Ang sakit na ng tiyan ko! K-Kanina pa'ko naghihintay rito sa labas!" boses ni Papa G ang

