"Xi, ba't malungkot ka? Aren't you happy that I'm here with you?" tanong niya sa nobya nang mapansin ang katahimikan nito. Dati naman ay madaldal ito tungkol sa negosyo at sa plano nito sa buhay. Pero ngayon ay puro tango at pakikinig lamang ang sagot nito sa kan'ya. She doesn't respond to him vigorously just like before Siguro nga ay buntis talaga ito. " Wala kakagising ko lang kasi. Wait what time nga pala ang flight natin?" tanong nito. "Mamayang alas cinco pa sweetie. Kasabayan pala natin si Papa G,eh! Ready na ba ang mga gamit mo? Diretso tayo sa bagong resort natin!" wika niya sa nobya. "Resort mo, ano ka ba!" Tiningnan niya ito ng direcho. "Sweetie naman, resort natin! Ang lahat ng pag-aari ko ay pag-aari niyo na rin ng mga anak natin!" sambit niya habang nakahawak sa kama

