" Daddy Pogi, please tie my hair po! Yung katulad ni Bella, ang cute ng hair niya!" sambit ni Peach ang limang taon gulang niyang anak . Hawak nito ang buhok na pantali habang lakad takbo ito sa direksyon niya. Nasa waiting area siya sa sandaling iyon at hinihintay matapos ang klase ng mga bata.Nasa daycare na ang triplets niyang anak na puro babae. Sina Peach, Berry at Kisses. Ang kambal niyang panganay na sina Avah at Paige ten years old na .Siya ang taga hatid sundo sa mga bata na nag-aaral sa Crimson Day Care Center , isa sa mga sikat na pribadong paaralan at unibersidad sa bansa. " Anak, alam mo naman na hindi marunong mag-ayos si daddy ng hair di ba?" wika niya kay Peach. Tumingin naman ito ng masama sa kanya. Sa triplets ito ang spoiled at maldita. " No daddy Pogi please, itali m

