"Good evening, Papa G. Kumusta po kayo? Napadalaw ka po sa Manila?" tanong niya nang nagkasama na silang apat sa iisang mesa. "Nice to see you together mga anak. Well, nandito ako dahil alam mo na, sixty fifth birthday ko sa linggo at dito ako mag-cecelebrate sa Manila. Na miss ko na rin ang polusyon ng hanging rito," biro nitong saad. "Wow! Malapit na pala ang birthday n'yo? Imagine? Sixty five years old? Papa G, hindi ka po mukhang sixty five eh, parang nasa fifties pa lang kayo! Xi, we should prepare a present for Papa G."malugod niyang wika rito at tuwang tuwang naman ito sa sinabi niya. " Terrence, ayaw ko ng regalo. Wala na akong mahihiling pa kundi alagaan mo ang anak ko at ang mga apo ko. Ayaw ko ng material things, I can buy that. But you can always gift me loyalty and love fo

