" Mga anak, we called the both of you just to inform you that Beauty will be staying here with us in the mansion." sambit ni Senyora Anita nang ipatawag sila ng mga ito para sa isang maikling meeting umano. Nasa main mansion sila ngayon ng mga Mondragon, ito ang mansion na tinitirhan ng mag-asawang Anita at Gordon. At dito rin umuuwi si Xia Jill at ang mga anak nila kapag nasa Manila. " What? Mama naman, padalos dalos po kayo kadugo natin Ma pero hindi natin sila kilala. Huwag na po , Ma." kontra ni Xia sa desisyon ng ina. " Huwag mo'kong pangunahan Xia. Ngayon lang ako nagpatira sa mansion ng mga taong kadugo ko! Yung ibang tao nga, natutulungan natin at nabibigyan ng trabaho? bakit 'yung mga kadugo ko ay hindi ba pwede? Eh halos lahat nga ng mga kasambahay natin ay hindi rin natin k

