“GUSTO mo patayin kita at ang baby mo, Angela? Kayang-kaya kong gawin iyan!” Mas lalong nilukob ng takot si Angela nang inulit ni Roxanne ang sinabi nito. Bahagya siyang napaatras at napahawak sa tiyan. “H-hindi magandang biro iyan. Lasing ka, Roxanne. Ang dapat sa iyo ay magpahinga na—” “Come to think of it... Kahit ipina-annul ni Cedrick ang kasal ninyo ay may chance pa rin na magkabalikan kayo kasi meron kayong anak. Tapos ako, mawawala na sa picture na parang isang basura. Hindi naman ako makakapayag na mangyari iyon. After what I’ve done? No way! Kaya kung mawawala ka at ang anak mo ngayon pa lang ay mapipigilan ko nang mangyari iyon. Right?” “Pasensiya na pero matutulog na ako.” Kagaya ng mga nauna nilang engkwentro ay naisipan niyang siya na ang umiwas. Hindi na kasi niya

