MAY pagtataka si Angela sa kung ano ang nangyari kay Lorena nang hilahin ito ni Sergio sa kwarto. Hindi na siya umakyat upang alamin ang gagawin ng dalawa. Nanatiling nakatayo si Liya sa may hagdan habang nakatingin sa kaniya. May pagtatanong sa mata ni Angela. Makalipas ang ilang sandali ay umakyat na rin si Liya sa itaas at alam niyang pupunta ito sa silid nito. Isang mahabang minuto ang nawala at malalakas ang hakbang na bumaba si Sergio sa hagdan. Madilim ang mukha. Dumiretso ito sa kaniya at sinaklit siya sa braso. “Ayokong kinukunsinte mo si Lorena sa mga ginagawa niya kagaya kanina. Talagang sinamahan mo pa siya! Kasambahay ka lang dito, Luna! Isaksak mo iyang sa kukote mo!” bulyaw nito. Marahas siya nitong binitiwan at lumabas ito ng bahay. Narinig pa niya ang pagbukas ng

