MASAMA ang loob ni Cedrick nang makauwi siya sa bahay. Galing siya sa motel kung saan nakasama niya si Mara at hindi maganda ang nangyari sa kanilang pagkikita. Siyempre, hindi na siya bata at ang gusto niya ay isang relasyon na maaaring magtuloy sa habangbuhay na pagsasama pero nasa magkaibang pahina pala sila ni Mara. Hindi nagtutugma ang iniisip nila sa gusto nilang mangyari. Kung siya ay gustong mag-seryoso, si Mara ay kabaligtaran. Naglalaro lang ito at darating ang araw na magsasawa ito sa kaniya kapag nakahanap ito ng bagong lalaki na mapaglalaruan nito. Dagdag pa ang pagkakaroon nito ng boyfriend. Napakalaking insulto sa p*********i niya ang ginawang iyon ni Mara. Pinaglaruan siya nito. Kung dati ay siya ang naglalaro ay siya naman ang napaglaruan ngayon. Dapat ay alam na

