MALIGAMGAM na tyaa na gawa sa dried rose buds ang pinainom ni Madame Winona kay Lexine matapos ang nangyari. Kahit papaano’y naibsan ang labis na panginginig niya. Nakaupo sila ni Ms. Garcia sa sala habang pinaghahanda sila nito ng makakain. Habang umiinom ay inabala naman ni Lexine ang sarili sa paglalaro sa itim na pusang si Amethyst. Nakahiga ito sa kanyang hita at maamong nakikipagtitigan sa kanya. “Sigurado ba kayong babiyahe kayo ngayon? Madilim na sa labas, delikado at baka kung mapano pa kayo sa daan. Maaari ko kayong patuluyin dito hanggang sa mag-umaga,” alok ng manghuhula sa kanila. Ngumiti si Ms. Garcia. “Hindi na ho, nakaaabala na kami ng sobra sa inyo. Mabilis lang naman ang biyahe kaya makakauwi rin kami agad.” Kahit nag-aalangan ay tumungo na lang si

