SMITTEN 44 Matapos ang dinner ay itinuloy ng mga boys ang inuman, samantalang kami ay nagdecide na mag movie marathon sa living room. Lalong lumakas ang buhos ng ulan sa labas kaya imbes na ma-enjoy ko ang panonood ng love story na pinapanood namin nina Miles at Mrs. Valencio ay unti-unti akong dinadalaw ng antok. Kung di pa tumunog ang phone ko para sa message ni Anika ay hindi pa magigising ang diwa ko. Agad na napaayos ako ng upo nang mabasa ang message n’ya. She wanted to call because Raven is missing me. Agad na nagpaalam ako kina Miles na aakyat na sa itaas. Nang tumango s’ya na halatang inaantok na rin ay dinaanan ko muna ang table nina Triton para magsabing inaantok na ako at mauuna na akong matulog. As usual ay business ang narinig kong pinag-uusapan nila nang lumapit ako.

