SMITTEN 22 Hindi natuloy ang seminar dahil sa taas ng tubig sa dadaanan papunta sa venue. Lahat ng kailangang malaman kasama na ang business deal sa pagitan ng AGC, Yu International, Natural Beauty na main business nina Mr. Valencio at Curved ay pinag-usapan na nila buong umaga sa Villa. Hindi na ako pinilit ni Triton na sumama sa pakikipag-usap dahil alam naman n’yang wala akong maiaambag doon at baka matulala lang ako sa mukha n’ya habang nakikipag transact s’ya. Kapag pa naman business ang pinag-uusapan ay sobrang seryoso n’ya kaya lalong lumalakas ang dating n’ya sa paningin ko. “Triton wanted us to date for a month,” kwento ko kay Miles nang mapag-isa kami habang busy ang mga boys sa meeting. “Why do you think he said that, Miles? Sa tingin mo napipilitan lang s'ya kasi nakuku

