AFTER our date umuwi na din si mommy actually, hinatid ko na ito may naisip kasi akong gawin at dahil support niya ako pumayag naman ito. " kuya ano pong mayron at nagpunta kayo rito? " salubong agad ni Eya saakin pagkatapos ko itong tawagang lumabas nang sabihin niyang nagpapractice lang sila for their party may intermission daw kasi ang bawat section sa party nila kaya busy silang lahat. " Puwedi ka bang lumabas? " tanong ko rin rito. " Bakit po Kuya may nangyari po ba? " nag-aalala pa nitong sabi. " Wala may pupuntahan lang tayo, so ano puwedi ba? " tanong ko pa rito. " Sige po, matatapos na rin po ang practice namin " tingin nito sa relo niya. " Mabuti naman, tayo na? " ngiti ko rito. " Opo pero sa unahan pa po ang sakayan dito sa school e " turo nito sa maaari naming sakyan per

