" Kuyang Pogi " takbo rito ni Timmy nang makita niyang lumabas sa kwarto si Warren. " Kamusta poging Timmy? " yakap niya rin rito. " Mabuti po " masaya pa nitong sabi. " Kuya buti po nakauwi na kayo " masaya rin ritong bati ni Eya. " Kagabi ako umuwi kaya lang tulog na kayo kaya hindi ko na kayo ginising " paggulo niya sa buhok nito habang nakangiti. " Nakita kana po ni Ate? " Tanong nito " ATE SI KUYA UMUWI NA!!! " sigaw agad nito nang hindi hinihintay ang sagot ni Warren na akala mo kung sino na ito. " Alam ko! " pagpunta ni Sandie sa mga ito habang naka apron at may dalang sandok " Ano bang meron diyan at akala mo galing ibang bansa kung maexcite kayo diyan?! " tingin niya sa mga ito " 'li na nga kayo nang makakain na tayo " pangunguna niya sa mga ito para mag almusal. " Si Ate

