" Sandie napagod ka ba? " tanong rito ni Jeff habang nasa daan sila pauwi. " Wala naman sigurong nagtatrabahong nakakapagpahinga e noh? " sarcastic na sabi ni Warren. " Bakit kaya hanggang ngayon nakikisabay ka pa rin saamin? " masama ritong tingin ni Jeff nasa may right side niya kasi ito kung saan magkatabi lang sila " Baka pagkasal na kami sumisipsip ka pa rin ha " bulong pa nito. " Umasa ka, kaya hindi ka lumalaki e ang dami mong plano sa buhay " sabi rin nito pero napalingon sila ng sabay kay Sandie ng mapansin nila itong Hindi pa rin kumikibo usually kasi naiinis ito kapag ganito itong dalawa. " Sandie, binili ko nga pala sayo kanina " napatingin naman siya sa isang plastic bag na maliit. " kunin mo na, sa totoo niyan si Lola ang nagsabing ganyan ang kunin ko sayo nasabi mo kasi

