HANGGANG ngayon hindi pa rin maalis sa isipan niya ang nga sinabi ni manager Maya at naaasar siya roon. " Pero bakit naman ako naaasar kung may kausap yon na iba? " paghinga nito ng malalim. " Ang lalim non ah " lingon rito ni Jeff. " Ah may naisip lang ako sandali, matagal pa ba tayo? " pagkwan huminto si Jeff sa isang gate kung saan makikita mo mula rito ang isang simpleng bahay hindi ganon kalaki pero halatang bahay ng mayaman. " Dumating na tayo " kasabay nang sinabi ni Jeff nagbukas ang gate kaya pumasok na sila, agad namang sumalubong rito ang ilang katulong. " Magandang araw Sir " pagkwan binuksan ng guard ang pintuan ni Sandie. " Hello po Ma'am " bati niya rito. " Sandie po " sabi nito. " Apo!!!! " pagsalubong rito ng Lola niya at isang mainit na yakap ang binigay niya rito

