HINDI malaman ni Warren kung paano lalapit kay Sandie habang nag-aalala sa nangyari sa kapatid niya gayong siya ang dahilan bakit niya ito nararamdaman. " Kung gusto mo umuwi kana lang muna " Napalingon naman rito si Sandie sa bigla nitong pagsasalita mula sa likuran niya. " Bakit ka pa bumalik? " pagtayo nito nang hindi tinitingnan si Warren. " Hindi naman ako umuwi nagbanyo lang ako at bumili nang pagkain " pagpapakita niya sa pagkaing pinabili niya sa driver niya alam niya kasing magtatanong si Sandie kung saan ito pumunta kaya ito pinaghandaan na niya at saka alam rin niyang nagugutom na rin ito. " Akala ko umuwi kana " tingin niya rito " Tsk! Bumili ka pa nang pagkain wala akong pambayad diyan " matamlay nitong sabi. " Sinabi ko bang bayaran mo? 'lika na nga pumasok na tayo " pa

