CHAPTER 7

1088 Words
(NABE) Tinignan ko ng mabuti ang aking itsura sa salamin. Nakasuot ako ng short at puting t-shirt, suot ko din ang puti kong rubber shoes. Ngayon ang punta namin ni Ranz sa bagong café sa Munoz. Hindi ko alam kung bakit excited ako ngayon. Siguro dahil nasisiguro ko na, na magiging masaya na naman ako ngayon. Iba kasi ang pakiramdam kapag natapos ng madugong school works eh magrerelax ka. Lalanghap ng sariwang hangin tapos kakain ng masarap. Iba din ang pakiramdam ng kabonding mo at katawanan ang kaibigan. Napatingin ako sa phone kong nakapatong sa table ng tumunog iyon. “Hello” pagsagot ko. “Nandito na ako sa may lobby” sabi ni Ranz. “Ok sige, wait lang palabas na” sabi ko. “Sige sige, bilisan mo, baka para ka na namang pagong HAHA” sabi nito. Napairap na lang ako, bully talaga. Mabilis kong pinatay ang tawag at tumingin ulit sa salamin para tignan kung okay na ang aking itsura. Maganda daw iyong place kaya syempre kailangan natin mag-ayos para sa pictures. Kinuha ko ang aking shoulder bag at mabilis na lumabas. Nang makarating ako sa may lobby ay nakita ko na doon si Ranz na nakakunot ang noo habang nakatingin sa phone nito. “Huy!” sabi ko at kinalabit ito sa kanyang balikat. Mabilis naman nitong ibinulsa ang kanyang phone nang dumating ako. “Ano iyon, bakit nakakunot iyong noo mo?” tanong ko. “Wala iyon, may nabasa lang akong katarantaduhan sa isang post. Tara na.” sabi nito kaya tumango na lang ako. Alas tres pa lang ng hapon kaninang alas dose pa natapos ang klase namin. Time na para gumala at mag relax. “Ganda mo ngayon ah” sabi nito. “Araw-araw akong maganda noh” sabi ko at natawa dahil sa reaksyon nitong kunyaring na shocked. “Hindi ka pala dapat pinupuri, baka lumaki ulo mo. Baka sa susunod hindi mo na ako pansinin dahil sa sobrang ganda mo na hindi ka na mamansin ng pangit” sabi pa nito. “Mukha kang tanga HAHA” sabi ko na lang. “Pogi mo din kaya, dami nga nagkakagusto sayo” dagdag ko pa. “Ililibre naman kita, hindi mo na ako kailangang bolahin pa” sabi nito na ikinatawa ko.   Sabay kaming nalalakad papapuntag Main gate dahil doon kami mag-aabang na jeep papuntang Munoz. Hindi na namin kailangan ng payong, hindi naman mainit dahil sa mga puno. “Saturday na naman bukas, uwi ka sa inyo?” tanong ko. “Hindi ko pa alam, kapag umuuwi ako wala akong nagagawa sa bahay” sabi naman nito. “Ako din, hindi ko alam, tintamad ako” sagot ako. Nang may tumigil ng jeep sa harap namin ay agad na kaming sumakay. Bago ko pa mailabas ang wallet ko ay nakapag-abot na ito ng aming pamasahe. “Thanks, ako na mamaya pauwi” sabi ko na lang. “Sure” sagot naman nito.   Nang makarating kami sa may Munoz ay naglakad pa kami ng mga tatlong minuto bago namin narating iyong bagong café. Medyo maraming tao pero, maluwang naman iyong lugar at marami pa din namang bakanteng table. “Upo ka na doon oh, ako na oorder” sabi nit Ranz kaya naman sumunod na ako. Sa pinakasulok ako naupo, saktong sakto ang ganda ng paint sa dingding, maganda magpicture. Sana lang hindi magtampo sina Gail dahil hindi namin sila sinama. Baka pupunta na lang kami ulit kasama na sila. Try na lang muna kung masarap ba mga food dito. Nang tumunog ang phone ko ay agad ko iting inilabas mula sa bag ko. Napataas ang kilay ko ng makitang si Ranz lang naman iyon. “Ano?” tanong ko habang nakatingin sa kanyang nakapila sa may counter. “Anong gusto mo?” tanong nito. Agad akong napatingin sa menu na nasa table din namin. Ang dami ng pamimilian pero pinili ko na lang iyong milktea at isang cheese burger. “Iyon lang? Sure na yan? Baka kulangin sabihin mo tinitipid kita” sabi nito at medyo natatawa. “Ano naman tingin mo sa akin, gutom na gutom?” kunyaring pagalit na sabi ko. “Hindi ba?” pang-aasar na tanong nito. Inirapan ko na lang ito at mabilis na pinatay ang tawag. Ilang minuto pa ang hinintay ko bago matapos si Ranz sa pag-order at naupo sa harap ko dala ang number ng order namin. “Ang ganda dito” sabi ko at tumingin ulit sa paligid. Napatakip ako agad ng aking mukha ng bigla na lang itapat ni Ranz ang kanyang phone sa akin. “Sandali naman! Hindi pa ako ready” sabi ko at agad na inayos ang aking buhok. “Ang ganda mo” sbai nito na agad na nagpalaki ng ngiti ko. Nang matapos akong kuhanan ng picture ay agad kong tinignan ang kinalabasan. “Ganda ng ngiti oh, gustong-gustong tinatawag na maganda” sabi nito pero natatawa. “Isa pa dali!” sabi nito kaya mabilis akong umayos sa aking kinauupuan. “Tingin ka sa may kanan mo, kunyari stolen” sabi nito kaya naman natawa ako. Mukha namang tanga pero ginawa ko pa din, hindi titigil iyang si Ranz kapag wala akong maayos na picture. Maraming ulit pa niya akong kinuhanan ng mga pictures. “Kamay dito.” sabi nito at tinapik ang aming lamesa. Napakunot ang noo ko dahil doon. “Dali na, para kunyari may bebe ka, kawawa ka naman” natatawang sabi nito pero imbis na ilagay ko ang kamay ko sa lamesa at hinampas ko na lang siya. Natatawa na lang ako ng inabot nito ang kamay ko para kunyari daw may kaholding hands naman ako saka niya kinuhanan ang aming mga kamay. Sunod niyang kinuhanan ang aming kamay pero kasama na ako sa frame. Natuwa ako kasi ang ganda ng pagkakakuha niya, I was looking at him that time. “Ikaw naman ang kukuhanan ko bilis bago dumating iyong pagkain” sabi ko at mabilis na kinuha ang phone ko. Mabilis naman siyang ngumiti. Sunod-sunod ang pagkuha ko ng kanyang picture, kaya kahit ang pangit na dahil ang likot niya at iyong iba puro wacky na lang. Tapos ang iba naman ay mukha siyang alien HAHA. Natigil lang kami ng dumating na iyong mga pagkain. Nagulat ako kasi ang dami, ang inorder kong milktea at cheese burger lang ay may kasama pang fries at kung ano-ano pa. “Thank You!” sabi ko sa kanya. “Welcome!” sagot naman nito then he smiled. So handsome. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD