“TINGNAN mo Jair dali baka mawala na iyong sinusundan natin.” Mabilis na tumakbo palayo sa kanya ang asawa niya. Kanina lang ay dumating sila sa bansang iyon for their around-the-world honeymoon na gift sa kanila ng kanyang mga magulang. As much as he would like to spend his honeymoon with his wife inside a close room ay alam niyang mas masaya kapag nakakalabas ito. Kaya lang… malapit na talagang maputol ang pagtitimpi niya. Gaya ng sinabi ni Xyler kahapon sa kasal nila, sobrang malalim na ng gabi ng matapos ang party. Pagkauwi nila sa bahay ay agad na nakatulog ito, she’s still wearing her wedding gown and he doesn’t have the heart to wake his wife. Talaga namang pagod ito dahil ito mismo ang umasikaso sa kasal nila, making him happier dahil alam niy

