“MOM.” Tiningnan niya ang matamlay na hitsura ng ina niya na nakahiga sa kama, nasa bahay siya ni Xancho. Doon kasi nagtatago ang mommy niya at akala niya since ito ang nagpropose ng annulment ay okay lang ito but from the looks of it, mas depressed pa nga ito sa ama niya. “Hindi na nagsasalita si mommy, ate. Since nalaman niyang nasa hospital si daddy.” Bulong ni Xancho sa kanya. “Ako na ang kakausap sa mommy, Xanch. Pwede mo ba kaming iwanan muna?” Lumabas na ang kapatid niya sa silid na iyon kaya linapitan niya ang mommy niya, her mom wasn’t sleeping but she’s obviously not moving. Just like her dad, her mom aged beautifully too. Kaya lang malungkot ang mukha nito at parang nilayasan ng ispirito. “Mommy,” tawag niya dito.

