NAKAMOVE ON na siya sa sinabi ni Jair sa kanya noong isang araw, masakit pero wala naman kasing mali sa sinabi nito. He doesn’t know that she’s hurting and she doesn’t have any intentions to let him know that, pero ang hindi niya maiaalis sa sistema niya ay ang natanggap niya kaninang umaga habang nasa opisina siya. The same black envelope at ito iyong laman ng envelope na iyon. Hindi ka talaga marunong makinig babae ka, binalaan na kita pero hindi ka nakinig. Makikita mo ang hinahanap mo, naisip mo pa talagang magpakasal sa kanya. You will be punished my little Xyler. Just wait and see. I saw you broke down when your bestfriend died, kaibigan mo pa lang iyon paano nalang kung pamilya mo na. I want to see you in the verge of insanity.

