“That ends my presentation.” Hindi niya alam kung anong lakas ang ginamit niya huwag lang matingnan si Jair. Ever since nakapasok na ito sa loob ng conference hall ay tila ba kumapal ang hangin, parang nahihirapan siyang huminga and no matter how smart and confident she was parang inuubos ng mga tingin nito ang tapang niya. He was scrutinizing her, tinitingnan nito kung ano ang pwede niyang maging mali at kung ano ang sa tingin nitong mali sa kanya. He may not voice it out pero parang ganoon na nga ang ginagawa nito. Parang inaalam nito kung ano ang mali sa kanya, kaya nga kahit na nahihirapan siya and she felt very awkward ay naideliver niya ng maayos ang kanyang presentation. She is different now. Ibang-iba na siya sa batang babaeng minsan nitong pin

