(Belinda POV) "Belinda I love you.." Nanlaki ang mata ko ng sumulpot nalang bigla si Maximus bago ako hinalikan at pag tapos ay kumaripas ng takbo. Napailing ako bago luminga-linga. Ano bang ginagawa ng lalaking 'yon? Paniguradong kontrolado na naman niya ang CCTV kaya naman nagagawa niya ang bagay na 'yon sakin. Magnanakaw ng halik! Ipinag patuloy ko ang ginagawa kong pag lilinis. Matapos mag walis sa sala ay nag tungo ako sa kusina upang manguha ng maiinom na tubig. Pawisan na naman ako, mainit parin kasi ang panahon. Straight kong nilagok ang isang basong malamig na tubig. "Pagod na pagod ka, rest ka muna." Nag-aalang sabi ni Wein na nasa gilid ko na pala. "Sus! Ayos lang ako wag mo akong intindihin." Sagot ko bago akmang ilalapag na 'yung basong ininuman ko ng bigla nalang i

