KENJIE LEEROI RODRIGUEZ's POV Ngumisi ako ng makita ang may hawak ng baril. Justine Khan. Ang kanang kamay ni Boss. "Ang bilis nyo talaga!" Sabi ko pa at bahagyang tumawa. May kasama siyang limang lalaking naka-business suit. Akala mo talaga mga presentable. Agad kong sinipa ang baril nya at sinuntok sya sa mukha. Nakarinig naman ako ng limang magkakasunod na baril. Napatingin ako doon at nakita ko ang apat kong kaibigan. Hawak hawak nila ang mga baril nila at nakangiti sakin. Nakita kong tumayo si Justine kaya sinipa ko sya sa sikmura at pinilipit ang leeg. "Tol, bilisan mo baka maabutan tayo!" Sigaw ni Troy. Lumapit ako sa kanila at nagpasalamat. "Wala yun tol. Para saan pa at naging magkakaibigan tayo!" Cyrus Sumakay kami sa van "Pano na lang kayo pagnalaman to ni Boss?" T

