(Blake’s POV) Wala na sigurong mas gagaan pa sa pakiramdam kapag alam mo na ang galit na matagal mong kinimkim sa puso mo ng mahabang panahon ay natuldukan na. Wala na sigurong mas sasaya pa, kapag natupad mo na ang isa sa mga pangakong binitawan mo sa mga taong mahal mo. “Good mood ah.” Pagbati sa amin ng team nina Phoenix pagpasok na pagpasok pa lang namin ng bahay nila. Simula ng araw na yun at sa araw-araw na ginawa ng diyos talagang consistent nila kaming inaasar. Kung hindi siguro mainit ang ulo palagi ni Cleo baka pati siya ay inaasar na nila. “Naku maba-badtrip na naman sa inyo si Cleo nyan,” agad kong sagot sa kanila na ikinatawa din kaagad nila. Speaking of, natahimik ang lahat ng mapansin din nilang pababa si Cleo ng hagdan, she’s wearing a black

