(Ava’s POV) “These are the list of groups na madalas na humahabol sa kanya noon,” Storm said. Ipinamigay niya rin kaagad ang mga papel na naglalaman ng mga impormasyon na sinasabi niya. Siya ang unang nag-report sa amin ng simulan na ang meeting namin sa araw na ito. “Ilan sa kanila ay makikita niyo sa listahan ng mga sumisikat na organization sa ngayon,” he said again saka siya muling nagabot ng mga papel sa amin, “pero bago ang lahat dapat niyo munang makita to.” Agad na lumabas sa screen na nasa likuran niya ang ibig niyang sabihin. Profile iyon ng isang lalaki na marahil ay isa din sa mga pinahahanap ni Phoenix sa kanya. “Siya ang lalaking tinutukoy ni Cleo noon sa nang-molestiya sa kanya sa bar, nilapitan niya si Cleo noon at bigla na lang hinalikan

