(Cleo’s POV) Hindi nagtagal ay napansin kong medyo lumalapit na kami sa school dahil sa pamilyar na mga tanawin sa akin. Pero maya maya lang din ay napatunghay ako ng marinig kong may dumaang ambulansya at kasunod noon ay fire truck, nakita ko ring di kalayuan sa amin ay may maitim na usok na nasisiguro kong sunog. “At this early?” Wika ng ginang kaya napabangon narin ako sa pagkakasandal ko at lalong tumanaw sa labas, pinatay naman na ng asawa niya ang tugtog nito at saka mas mabilis na nagmaneho, hindi nagtagal ay nakalapit na kami sa gate ng school at nanlaki agad ang mata ko at napaawang ang bibig ng makita ko ang nasusunog na establisyimento. “What the fvck? Stop the car!” I yelled saka ako mabilis na bumaba ng tumigil ang kotse sa tapat mismo ng resto. “Cle

