(Cleo’s POV) After that lunch ay naghanda na kami agad for the orientation, si Tita lang din naman ang speaker namin nung una at sumunod naman ako sa kanya. After ng orientation ay tinapos narin namin ang iba pang gagawin para bukas saka namin napag-usapan na mag-si-uwi na. Kasama ko parin naman si Tita Wynona sa paguwi ko dahil sa kanya ako sumasabay. “Pupunta ako sa bahay ko,” pagpapaalam ko kay Tita na ikinangiti niya lang din naman. “Ihahatid na ba kita?” tanong niya at umiling naman kaagad ako. “Dadalhin ko na lang ang kotse ko, may mga kukunin din kasi akong gamit. Alam mo naman na pasukan na,” I answered at hindi naman na siya nagsalita pa. Agad akong nagpaalam sa kanya ng makarating na ako sa bahay ni Phoenix at pagbaba ko ng gate ay kinuha ko lang naman a

